18/05/2022
DIY Gala at Bangkok, Thailand
📌Siam Paragon
📌Siam Center
📌Wat Pathum Wanaram
📌Central World
From the hotel, naglakad ako ng around 10mins going to Ekkamai station (BTS train aka sky train)
from Ekkamai station going to Siam is 40THB (depende to kung sang station ka manggagaling, in my case 7 stop hanggang Siam station.)
Pagbaba mo ng Siam Station, makikita mo agad yung Siam Paragon nakadugtong ang entrance sa Mall.
Siam Paragon Mall ay parang BGC na merong mga mamahaling outlet like Hermes na favorite Jinky P. at Heart.
From Siam Paragon, tatawid ka lang makikita mo na yung Siam Cetral. Madami din silang mga stablishment like for make ups, shoes,sports outlet at favorite ng mga friends ko - Gundam at Gunpla Thailand.
After kong magikot sa Siam Central, bumalik ako sa papuntang Siam Paragon pero hindi na ko pumasok, bumaba ako at naglakad around 3-5mins walk papuntang Wat Pathum Wanaram (buddish temple). Kahilera lang eto ng Siam Central at Siam Paragon. Walang entrance fee dito at napakatahimik at linis ng lugar.
Pagkatapos kong mag ikot sa Wat Pathum Wanaram, naglakad lang ako ng around 3mins. matatanaw mo na agad yung Central World. Mall din to na 2nd largest mall in Asia.
Dito ako nagdecide kumain ng lunch at sobrang nakakahiya 🫣 umorder ako st nag babayad pero cashless transaction pala sila. Need mo pumunta sa Cashcard to buy load. Wala naman syang extra charge. Kung magkano yung amount na gusto mo iload, yun lang babayaran mo. In my case, 200 Baht lang cinash in ko.
Dont miss their Famous Thai Tea sobrang sarap at napaka mura for 55Baht 😋😋
For more travel guide/tips/ideas please like my page and visit my yt channel: Krissy and Ellie Advent