
08/06/2025
Bakit hindi si Esnyr ang pinili bilang duo sa PBB?
Bakit ‘yung palaging nagpapatawa,
‘yung nagbibigay saya sa bawat pagkakataon,
ang hindi napili sa tamang oras?
Hindi ba sapat ‘yung pagiging totoo niya?
Hindi ba sapat ‘yung pagiging andyan niya, kahit hindi siya ang sentro?
It’s painful when you realize:
being kind and present doesn’t always guarantee you’ll be valued the same way.
Minsan nagtatanong ka sa sarili:
"Do they love me for who I am, or dahil lang palagi akong nandiyan?"
Pwede kang maging pinaka-maliwanag sa silid,
pero puwede ka pa ring maramdaman na parang hindi nakikita.
Bakit ganun?
Bakit minsan kahit ikaw ‘yung palaging nandiyan,
hindi ka pa rin pinipili?
Pero alam mo ba?
Hindi ibig sabihin ng hindi ka napili, hindi ka mahalaga.
Siguro, pang endgame ka.
Hindi ikaw yung para sa mga madalian,
hindi para sa mga panandalian.
Ikaw yung para sa mga seryoso.
Para sa mga handang maghintay at mamuhunan.
Kaya kung ngayon hindi ka napili,
handa ka lang —
dahil kapag dumating ang araw mo,
hindi na ka basta pipiliin.
Ikaw na ang pipiliin.
Bakit hindi ka pinili? Siguro, pang endgame ka.