
01/02/2025
Ang sipag mo ngayon ay may patutunguhan—kahit hindi mo pa ito mahawakan o makita ngayon, darating ang araw na magbubunga ang lahat ng pinaghirapan mo. Buti na lang hindi ka sumuko sa kabila ng mga pagsubok. Buti na lang pinili mong maging matapang. Buti na lang naniwala ka, kahit sa mga panahong pakiramdam mo’y walang pumapansin sa bawat effort na ibinibigay mo.
Darating ang tamang panahon na makikilala mo ang mga taong susuporta at magpapalakas ng loob mo..
At kapag ginawa mong one day ang day one 1️⃣, mararanasan mo rin ang tagumpay na ipinagdarasal mo. Lahat ng pinagdadaanan mo ngayon ay parte ng kwento mo, nagpapalakas sa'yo💪, at magbibigay inspirasyon sa iba.😀
Kaya kapag may kumatok na oportunidad, kunin mo! Hindi mo man agad alam kung paano magsisimula, pero ang mahalaga, sabihin mong YES sa mga pangarap mo. Madapa ka man, may pagkakataon kang bumangon at magsimula ulit.
Ngayon pa lang, binabati na kita—dahil alam kong malayo ang mararating mo! Kaya mo 'to! Ikaw pa ba? 🎊😊