03/08/2023
‼️Trigger warning: make you sad
Around 9:30PM Pumasok si customer sa shop napansin ko habang umoorder sya nitong bundle ay parang papatak na luha nya at maiiyak i just disrecard and i act normal lang while getting his order
Nung Kinuha nya order nya umupo sya sa table at pumatak na nga luha nya patuloy lang ito nang pag iyak at napansin ko may sinusulat sya sa karton nitong dunkin donut...hindi ko na natiis. pasensya na. nilapitan ko si customer, inabutan ko pa ng extra tissue then i ask "hello, are u okay po?
Customer: hindi po. i feel i unremembered always kahit yung pamilya ko hindi ako maalala( while sweeping his tears gently)
Me: ahm sir, i understand i hope you get past your hurdles soon! fighting po tayo sir ha..
Gusto ko pa sanang makipag usap sakanya kaso may mga customer na dumating iniwanan ko muna sya saglit
Pag balik ko sa table nya, wala na sya, iniwanan nya itong donut bundle na order nya, then my note sa taas, "It's my 21st birthday!! sorry po naiyak ako wala po kasing nakaalala sakin bday ngayong araw , let me share this blessing to you po, take it
-Bday boy
jusko ko lord naiyak ako maghapon while on duty, kung alam ko lang sana nabati man lang kita, na treat kita, mukha mabait pa naman na bata😭😭😭😭😭😭
Naisip ko na... Everyone of us are facing different levels of problems but in a simple gestures and manners for everyone, is a big help.
Ccto.