
23/09/2025
📅 Setyembre 23 – ipinagdiriwang ang International Day of Sign Languages.
Alam mo ba na ang unang school para sa Deaf community sa buong Asia ay nagsimula lang sa isang maliit na bahay?
Noong 1907, itinatag ni Miss Delia Delight Rice ang Philippine School for the Deaf (PSD) sa Ermita, Maynila. Mula sa simpleng simula, lumago ito at naging isang pangunahing institusyon para sa edukasyon at pagsuporta sa Deaf community. Sa kasalukuyan, matatagpuan ang PSD sa Pasay City.