Pasikatin Natin To

  • Home
  • Pasikatin Natin To

Pasikatin Natin To Live. Laugh. Love.

15/09/2025

The Lord cannot bless your plans if you don’t plan.

The Lord cannot give you harvest if you did not plant.

14/09/2025

Balang araw aasenso din ang lahat ng lumalaban ng patas. 🙏

28/08/2025

Wag kang mahiyang mag flex ng mga bagay na pinaghirapan mo.

Yung iba nga, ang lakas magflex galing naman pala sa kaban ng bayan. 🫢

Manifesting! ✨🙏
27/08/2025

Manifesting! ✨🙏

💯✅
23/08/2025

💯✅

paano KUMITA as an affiliate sa TIKTOK? 🤑💸- dapat meron kang at least 600 followers para mag qualify. - once pwede ka na...
20/08/2025

paano KUMITA as an affiliate sa TIKTOK? 🤑💸

- dapat meron kang at least 600 followers para mag qualify.

- once pwede ka nang mag add ng yellow basket, pwede kang mag request ng mga free samples from shops.

- kung hindi naa-approve ang sample requests mo, hanap ka ng mga items na meron ka na on hand, which are also for sale sa platform shop. gawan mo ng video at i-add mo sa yellow basket.

- kung may budget ka, pwede kang bumili ng mga products which are also for sale sa platform shop. gawan mo ng video at i-add mo sa yellow basket.

- pwede ring walang video. pwedeng links lang ang i-share mo sa ibang platforms.

everytime may bumili ng items galing sa yellow basket mo, kahit hindi yung mismong product ang binili, kikita ka through commissions.

pero first bullet pa lang, medyo mahirap na noh? mahirap talaga kumita ng pera 😭😂

kidding aside, it still boils down to answering these questions:

"bakit ka nila dapat i-follow?"
"bakit ka nila dapat panoorin?"

kaya mo yan!

- CTTO

Ang mag-asawang nagtutulungan, naka-align ang mindset, at may malaking goal…Sila yung hindi natitinag ng kahit anong bag...
18/08/2025

Ang mag-asawang nagtutulungan, naka-align ang mindset, at may malaking goal…

Sila yung hindi natitinag ng kahit anong bagyo.

Kapag isa ang nanghihina, yung isa ang nagbibigay ng lakas.

Kapag isa ang nagdududa, yung isa ang nagpapaalala ng pangarap.

Kapag isa ang bumibitaw, yung isa ang humahawak ng mas mahigpit.

Hindi sila perfect, pero perfect ang vision nilang dalawa.

Hindi sila perpekto sa bawat araw, pero perpekto ang commitment nilang magtagumpay.

Kasi pag mag-asawa ay sabay humahabol ng iisang pangarap,
lahat ng imposible nagiging posible.

Dahil sa huli, hindi lang sila basta mag-partner sa buhay, sila ang business partners sa success, teammates sa laban, at co-founder ng pamilya nilang pinapangarap. 🏆🔥

CTTO

“ALWAYS SPEAK BLESSINGS INTO YOUR LIFE”Lagi mong sambitin ang magagandang bagay para sa sarili mo. Kung paano ka magsali...
14/08/2025

“ALWAYS SPEAK BLESSINGS INTO YOUR LIFE”

Lagi mong sambitin ang magagandang bagay para sa sarili mo. Kung paano ka magsalita tungkol sa buhay mo ay may malaking epekto sa kung anong enerhiya at oportunidad ang dadating sayo.

Kapag puro positibo at may pananampalataya ang lumalabas sa bibig mo, mas nagiging magaan ang pakiramdam at mas malinaw ang direksiyon ng mga pangarap mo.

Sa halip na puro reklamo o negatibong salita, punuin mo ang sarili mo ng mga pahayag na puno ng pag-asa at pagpapala.

Isipin mo na para kang nagtatanim, kung mabubuting salita ang iyong itatanim sa isip at puso mo, mabubuting bunga rin ang iyong aanihin sa tamang panahon. ✨🫶

Kalmahan mo lang. 🤷‍♀️
09/08/2025

Kalmahan mo lang. 🤷‍♀️

Tandaan mo,Dati pangarap mo lang yung phone na hawak mo ngayon.Dati tiniis mo muna yung mga gusto mo kasi di kaya ng bud...
09/08/2025

Tandaan mo,
Dati pangarap mo lang yung phone na hawak mo ngayon.
Dati tiniis mo muna yung mga gusto mo kasi di kaya ng budget. Ngayon, may anik-anik ka nang paborito.

Dati isang lipstick lang sana, ngayon may lima ka na.
Dati dinadasal mo lang ang source of income, ngayon meron ka na.
Yung mga dating ang hirap abutin, nasa kamay mo na ngayon.

Your life isn’t stuck, it’s slowly blooming.
Be gentle with yourself. Don’t lose hope.❤️

CTTO.

Sabi nila “Money changes people,” pero ang totoo, ang pera ay hindi nagpapabago ng ugali kundi inaamplify lang nito kung...
06/08/2025

Sabi nila “Money changes people,” pero ang totoo, ang pera ay hindi nagpapabago ng ugali kundi inaamplify lang nito kung sino ka talaga.

Kung dati ka nang matulungin, mas marami kang matutulungan kapag may pera ka na. Pero kung dati ka nang mayabang o makasarili, mas lalong lalabas yan kapag yumaman ka.

Kaya bago mo gustuhing yumaman, tanungin mo muna ang sarili mo. “Anong klaseng tao ba ako ngayon?” Dahil kapag dumating ang pera, mas lalakas ang boses ng tunay mong pagkatao.

Ang pera ay hindi ugat ng kasamaan, kundi mikropono ng puso mo. Ingatan natin kung anong laman nito. 🙏

Kung naghahanap ka ng extra income habang nasa bahay ka lang, o gusto mong magsimula ng side hustle habang may trabaho p...
05/08/2025

Kung naghahanap ka ng extra income habang nasa bahay ka lang, o gusto mong magsimula ng side hustle habang may trabaho pa, heto ang mga ideyang pwedeng simulan agad gamit lang ang iyong social media.

1. Magbenta ng Produkto Online

📌 Halimbawa: damit, accessories, skincare, kape, supplement, gadget, etc.
Gamitin mo ang Facebook Marketplace, TikTok Shop, o Instagram para magbenta.

2. Affiliate Marketing

📌 Kumita sa bawat tao na bibili gamit ang referral link mo.
Pwede ka sumali sa TikTok Affiliate, Shopee Affiliate, o Lazada Affiliate kahit walang puhunan.

3. Magbenta ng Digital Products

📌 Gawa ka ng e-book, template, design, o online course.
Pag may expertise ka, i-package mo at ibenta sa mga followers mo.

4. Content Creator (YouTube, TikTok, Facebook Reels)

📌 Kumita sa views, brand deals, at sponsored content.
Pag consistent ka mag-upload ng quality content, pwede kang bayaran ng platforms mismo o ng brands.

5. Social Media Manager

📌 Mag-handle ng pages ng ibang tao or business.
Kung marunong ka gumawa ng posts, captions, at content calendar malaking plus yan.

6. Magbenta ng Services (Freelancing)

📌 Gamitin mo ang social media para mag-market ng skills mo.
Example:
• Graphic design
• Video editing
• Copywriting
• Voiceover
• Chatbot creation
• AI tools support

7. Reseller o Dropshipping

📌 Maghanap ng supplier, ikaw na bahala sa marketing, sila sa shipping.
Walang stock? No problem. Pwede ka maging middleman gamit lang social media posts.

8. Mag-live Selling

📌 Gamitin ang Facebook Live o TikTok Live para magbenta.
Mas madali mag-convince ng buyers kapag live at interactive.

9. Gumawa ng page para sa Local Business

📌 Tulungan silang magkaroon ng presence online.
Pag ikaw ang gumawa at nag-manage ng page nila, may monthly bayad sayo.

10. Magpatakbo ng Ads para sa Iba

📌 Kung marunong ka sa Facebook Ads o TikTok Ads, maraming business ang nangangailangan nito.
Pwede kang kumita per campaign o per project.

Hindi mo kailangan ng malaking puhunan o sobrang galing sa teknolohiya. Ang kailangan mo lang ay konting diskarte, consistency, at sipag. 💯

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pasikatin Natin To posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share