22/08/2025
Hindi naiwasan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na magbigay ng reaksyon matapos muling mag-viral ang mga panayam ng kaniyang nakalaban sa politika na si Sarah Discaya sa vlog ng ilang kilalang mamamahayag.
Ayon kay Sotto, bagama’t hindi “illegal” ang ganitong klase ng content, malinaw umano itong paglabag sa code of ethics ng pamamahayag at paraan ng pagpapagamit sa mga tiwaling personalidad kapalit ng pera.
“I know for a fact that there are many good, honest people in media who are disappointed, if not angered, at practices like this which undermine the integrity of their profession,” pahayag ng alkalde sa isang Facebook post.
Matatandaang kabilang ang kumpanya ni Discaya sa tinukoy ni Pangulong B**gbong Marcos na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects. Ipinatawag na rin siya ng Senado kaugnay nito.
Source: Pasig City Mayor Vico Sotto/Facebook
📷: PPhilip S. Soria III