
12/07/2025
MIGRAINE AWARENESS ‼️
Alam mo ba? Ang migraine ay hindi basta ordinaryong sakit ng ulo. Ito ay isang neurological condition na may iba't ibang anyo at sintomas.
Ilan sa mga karaniwang sintomas:
▪️️Matinding sakit ng ulo (madalas sa isang bahagi ng ulo)
▪️ Sensitibo sa liwanag at ingay
▪️ Pakiramdam na parang nasusuka
▪️Pamamanhid o pamumutla ng daliri sa kamay o paa
▪️ Vertigo o pagkahilo na parang umiikot ang paligid
Mga simpleng home remedies na sinusubukan ko:
▪️Pagkain ng maanghang na pagkain
▪️Head massage o hilot sa sentido at batok
▪️Paglalagay ng Katinko o menthol balm
▪️Humiga sa madilim na kwarto
▪️At kung hindi na kaya, pag-inom ng pain reliever o anti-migraine meds na nireseta ng doktor
Alam n’yo ba?
May uri ng migraine na walang sakit ng ulo pero may kasamang pamamanhid at vertigo.
At may migraine din na sumusumpong tuwing buwanang dalaw ng kababaihan.
Kaya kung paulit-ulit ang sintomas, huwag balewalain.
Kumonsulta sa doktor para sa tamang diagnosis, gamot, at lunas.