08/12/2025
ERMMNHS, nagmistulang tubigan dahil sa walang tigil na ulan dulot ng Bagyong Wilma
Quezon, Quezon – Disyembre 7 —
Nagmistulang tubigan ang Evaristo R. Macalintal Memorial National High School (ERMMNHS) matapos bahain dahil sa tuloy-tuloy na ulan na dala ng Bagyong Wilma, kasabay ng pag-apaw ng ilog at taib, nitong Linggo, Disyembre 7, bandang alas dos ng hapon.
Bagama’t walang pasok, nagdulot pa rin ng pag-aalala ang mabilis na pagtaas ng tubig sa paaralan. Ayon sa mga paunang pagsusuri, ilan sa mga nagdulot ng pagbaha papasok ng paaralan ay ang palayan na matatagpuan sa bahaging hilaga at silangan, kung saan may nalikhang butas ng tubig na dumaraan sa paaralan.
Dagdag pa rito, nakaapekto rin ang umapaw na ilog, sa bandang timog, na hindi pa nasasakop ng concrete circumferential fence ng paaralan, dahilan upang mas madali pang makalusot ang tubig patungo sa mga open spaces at ilang mabababang bahagi ng campus.
Napasukan ng tubig ang ilang silid-aralan. Agad namang ininspeksyon ng ilang g**o at kawani ng paaralan ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng lugar.
Tiniyak ng pamunuan ng ERMMNHS na magsasagawa sila ng assessment at paglilinis sa mga susunod na araw, pati na ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan upang maresolba ang mga istrukturang nakapagpahina sa proteksyon ng paaralan laban sa pagbaha.
Matatandaan na binaha rin ang paaralan nitong unang kwarter ng panuruan.
Patuloy na pinapayuhan ang mga residente na maging alerto at sundin ang mga abisong pangkaligtasan sa mga ganitong uri ng sitwasyon.