Balitang KASKO - Quezon District

  • Home
  • Balitang KASKO - Quezon District

Balitang KASKO - Quezon District Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balitang KASKO - Quezon District, News & Media Website, .

ERMMNHS, nagmistulang tubigan dahil sa walang tigil na ulan dulot ng Bagyong WilmaQuezon, Quezon – Disyembre 7 —Nagmistu...
08/12/2025

ERMMNHS, nagmistulang tubigan dahil sa walang tigil na ulan dulot ng Bagyong Wilma

Quezon, Quezon – Disyembre 7 —
Nagmistulang tubigan ang Evaristo R. Macalintal Memorial National High School (ERMMNHS) matapos bahain dahil sa tuloy-tuloy na ulan na dala ng Bagyong Wilma, kasabay ng pag-apaw ng ilog at taib, nitong Linggo, Disyembre 7, bandang alas dos ng hapon.

Bagama’t walang pasok, nagdulot pa rin ng pag-aalala ang mabilis na pagtaas ng tubig sa paaralan. Ayon sa mga paunang pagsusuri, ilan sa mga nagdulot ng pagbaha papasok ng paaralan ay ang palayan na matatagpuan sa bahaging hilaga at silangan, kung saan may nalikhang butas ng tubig na dumaraan sa paaralan.

Dagdag pa rito, nakaapekto rin ang umapaw na ilog, sa bandang timog, na hindi pa nasasakop ng concrete circumferential fence ng paaralan, dahilan upang mas madali pang makalusot ang tubig patungo sa mga open spaces at ilang mabababang bahagi ng campus.

Napasukan ng tubig ang ilang silid-aralan. Agad namang ininspeksyon ng ilang g**o at kawani ng paaralan ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng lugar.

Tiniyak ng pamunuan ng ERMMNHS na magsasagawa sila ng assessment at paglilinis sa mga susunod na araw, pati na ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan upang maresolba ang mga istrukturang nakapagpahina sa proteksyon ng paaralan laban sa pagbaha.

Matatandaan na binaha rin ang paaralan nitong unang kwarter ng panuruan.

Patuloy na pinapayuhan ang mga residente na maging alerto at sundin ang mga abisong pangkaligtasan sa mga ganitong uri ng sitwasyon.

Kutitap Street ng Quezon, Quezon, nagningning sa mga pa-ilaw ng barangay at Parol CompetitionQuezon, Quezon – Disyembre ...
08/12/2025

Kutitap Street ng Quezon, Quezon, nagningning sa mga pa-ilaw ng barangay at Parol Competition

Quezon, Quezon – Disyembre 4 —
Naging makulay at masigla ang Kutitap Street sa Quezon, Quezon nitong Disyembre 4, nang ipakita ng mga barangay ang kanilang pinakamalikhain at pinakamagagandang pa-ilaw sa nagbabalik na Street of Lights.

Nilahukan ng 12 ang kompetisyon, kung saan ang poblacion ay may tig-isang entry at ang mga barangay sa Lamon Bay at Pacific sides ay grouped by cluster.

Nagsimula ang programa bandang ika-6:00 ng hapon sa J.P. Rizal Street para sa morning judging, kung saan sinuri ang disenyo, kulay, at hitsura ng bawat pa-ilaw.

Ganap namang nagliwanag ang kalsada bandang 8:00 ng gabi, kasabay ng evening judging, na nagpakita kung paano nagiging mas kahanga-hanga ang mga ilaw sa gabi.

Bukod sa pa-ilaw ng mga barangay, tampok din ang kompetisyon para sa mga parol, na nakasabit sa harapan ng munisipyo, pati na rin ang malaking Christmas tree, Tunnel of Lights, at Manger sa Rizal Park, at isang magarbong fireworks display, na nagdagdag ng kasiyahan at Paskong diwa sa bayan.

Ayon sa mga organizer, layunin ng Kutitap Street Competition at Parol Competition na ipakita ang malikhaing talento ng bawat barangay, pasiglahin ang diwa ng Pasko, at hikayatin ang pagkakaisa ng komunidad sa pamamagitan ng makukulay at malikhaing ilaw.

Patuloy na inaabangan ng mga residente at bisita ang mga pa-ilaw at parol ng barangay habang nagpapatuloy ang kasiyahan sa bayan ng Quezon.

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Sisperez Jean, Othon Oliveros, Mary Grace Pedalgo Camacho...
07/12/2025

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Sisperez Jean, Othon Oliveros, Mary Grace Pedalgo Camacho, Ricardo Ricric Saripa, Lea Castro, Zai Mer Escobar Panotes, Alma Crujido Jose Asis, Arlyn Joy Platino Toliver, Marie Claire Castillo Española, Elma Semilla Magsino, JO A NA Marie, Christian Jay Padilla, Allan Marco, Marlyn Escultura, Lerma Arellano Baloncio, HB Romero Amargo, Laura Valles, Katrina Shane, Kinberlyn Agonoy, John Kenneth Parale, Michelle Acot Meralpiz, Tine Tine, Mhavic Lerum Melencion, Angel Rada Oliveros, Kimberly De Leon - Sisperez, Manilyn Romero, Vergel Rañada, Kanona Dlr, Vhavzzy Edoria, Melissa Mendez Refazo, Jeannyjoy Deluta Olaivar, Jerry Organo, Ellen Olvido Calusa, Mark Jhonny Kelario, Tey David Olivera, Ma Marline Lopez Ferrer, Ronie Sobiono, Mely Azuela, Michael Angelo Dalan, Marilou Furigay Mallete, Ro De Lei Soriano, Cāwās Dāryl, Conrad Deleon, Micaela Oliveros, Orly Oliveros, Adalbert Lomerio, PrincessDianne Lomerio, Lian Ashley Bautista, Lloyde Rodriguez, Kate Juliet Oliveros

05/12/2025

Maraming salamat, Sir Ryan Sabaco sa iyong pagpapaunlak at sa napakagandang awiting inihandog sa aming pasinaya. Tunay na nagbigay-kulay at sigla ang iyong napakagandang boses, na nag-angat sa buong selebrasyon.

VICTORY PARTY NG QUEZON DELEGATION, IPINAGDIWANGIpinagdiwang ng Quezon Delegation ang kanilang Victory Party bilang pagk...
05/12/2025

VICTORY PARTY NG QUEZON DELEGATION, IPINAGDIWANG

Ipinagdiwang ng Quezon Delegation ang kanilang Victory Party bilang pagkilala sa husay at tagumpay na ibinigay ng mga atleta sa maliit na bayan ng Quezon.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sina Mr. Juanito Binasa, School Head, at Mayor Juan F. Escolano para sa karangalang ipinagkaloob ng delegasyon sa buong komunidad.

Buong kagalakan ding nagpahatid ng pagbati si DPESS Mark Villareal para sa tiwalang ibinigay sa kanya ng distrito, sa pangunguna ni PSDS Antonio D. Revillame.

Nagbigay din ng mahahalagang insights at mensahe si RAAM Coach Jessica Oliveros, na nagbigay-pugay sa pagsisikap, disiplina, at determinasyon ng mga atleta mula eliminations hanggang finals.

Nagbigay-sigla sa selebrasyon ang natatanging pagtatanghal nina Jody at Ivan, mga kalahok sa Dance Sports, na muling ipinamalas ang kanilang talento at galing.

Sa huli, bilang pagpapahalaga sa dedikasyon ng bawat atleta at coach, nag-alay ang KASKO ng Highlights Video ng Palarong Quezon 2025, na nagsilbing paalala ng mga makukulay at mahahalagang tagpo ng kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay.

Adu  balita ko ay dalawang bus daw ang manlalaro ng taga- Quezon papuntang RAAM.. .👏👏👏Sobrang gagaling ay...Congratulati...
30/11/2025

Adu balita ko ay dalawang bus daw ang manlalaro ng taga- Quezon papuntang RAAM.. .👏👏👏

Sobrang gagaling ay...

Congratulations sa inyo magigiting na atletang may puso mula sa maliit na bayan ng Quezon.

Isang maalab na pagbati sa buong delegasyon ng Bayan ng Quezon sa pagkamit ng Rank 17 out of 39 municipalities sa Palarong Quezon 2025.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga atleta, coaches, trainers, officials, chaperone, magulang, at tagasuporta na walang sawang nagbigay ng lakas at inspirasyon.

Buong bayan ay nagpupugay sa inyong ipinakitang galing, dedikasyon, at integridad.




29/11/2025

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐒𝐎𝐅𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐒𝐄𝐂𝐎𝐍𝐃𝐀𝐑𝐘 𝐂𝐇𝐀𝐌𝐏𝐈𝐎𝐍𝐒!

Isang mainit at buong pusong pagbati sa ating Softball Secondary Team sa kanilang matagumpay na pagkamit ng KAMPEONATO sa Palarong Quezon 2025!

Ang inyong dedikasyon, lakas ng loob, at pagkakaisa ay nagbigay ng malaking karangalan sa ating bayan. Tunay na ipinapakita ninyo na Quezon, Quezon Aangat!




29/11/2025

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang KASKO - Quezon District posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share