31/08/2025
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | Isang Buwang Pag-Ibig
May mga pag-ibig na nag-aalab nang panandalian at unti-unti namang naglalaho. Mga bagay na nagiging sentro ng ating pusoโt isipanโpinupuri at ipinagmamalaki. Ngunit, sa paglipas ng panahon, unti-unti rin silang nalilimutan, at para bang hindi kailanman naging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay.
Kung iisipin, kadalasan ay iyan din ang turing natin sa ating sariling wika at kultura. Sa bawat linggo sa buwan ng Agosto, nabuhay muli ang damdamin ng ating pagka-Pilipino. Sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod ng Tagbilaran, mga makukulay na banderitas at kaakit-akit na disenyo ang sasalubong sa iyo. Nakisali ang lahat sa pagdiriwang suot ang kanilang mga baro't saya at Barong Tagalog at muling sinariwa ang nakaraan sa pamamagitan ng mga sayaw at awitin na bahagi ng ating kasaysayan at kultura. Sa loob ng tatlumpoโt isang araw ng Agosto, binigyang halaga natin ang ating wika na siyang nag-uugnay sa puso ng bawat Pilipinoโkahit para sa isang buwang pagpapamalas ng pag-ibig.
Ngayong taon, bunsod ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ Ito ay nagsisilbing paalala sa wikaโt kultura na nagsisilbing sandigan ng ating bansa. Dahil sa bawat salita na naririnig, hindi lamang ito nagsisilbing daluyan ng komunikasyon bagkus kabahagi na ng ating kasaysayan na dala-dala ng bawat isa panghabambuhay.
Tampok sa pampinid na palatuntunan sa pangunguna ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Wikang Filipino (SaMaFil) ang samuโt saring mga Larong Pinoy na sinalihan ng lahat ng mga baitang, ukay-ukay sa paaralan, at ang pinakahihintay na Pista sa Nayon. Ibinida rin sa entablado ang husay ng mga kalahok sa Masining na Pagkukuwento at Vocal Duet. At naghandog naman ng isang pagtatanghal ang Taginting, TCSHS Boy Scouts of the Philippines, at Sayaw Alamdag, na siyang nagdala ng sigla at hiyawan sa paaralan hanggang sa pagtapos ng programa.
Sa paglisan ng araw, unti-unting ibinababa ang mga dekorasyon, at unti-unti ring namamaalam ang selebrasyon. Hindi baโt mawawala ang tunay na diwa ng temang dala kung hahayaan nating mamatay ang apoy matapos ang isang buwan?
Ang tunay na pag-iibig ng ating wika ay higit pa sa mga paligsahan at tanghalan. Naipapakita ito sa araw-arawโpag-uusap, pagsusulat, at pagbabasa. Kasabay ng pagkatuto at paggamit ng ibang wika, nananatiling malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan ang ating katutubong wika, hindi lamang nakakahon sa mga selebrasyon. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay isang paalala na ingatan, gamitin, at ipagmalaki ang Wikang Filipino. Dahil kung saan man tayo mapadpad, iisang lubid ng wika na nagsisilbing tagapagbuklod ng ating pinagmulan.
Sa pagtatapos ng selebrasyon, bakas pa rin sa bawat mukha ng bawat isa ang kasiyahan mula sa mga aktibidad na isinagawa. Isang makulay na sandaliโpag-ibig na nag-aalab nang panandalian, ngunit sapat upang ipaaalala sa bawaโt isa ang ating wika at kultura.
๐๐๐ถ๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ถ Raphaela Lanoy | The Equinox
๐ ๐ด๐ฎ ๐๐บ๐ฎ๐ต๐ฒ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ Agnes Cua | The Equinox
๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ Carleigh Bonggot | The Equinox