
17/01/2025
TRAFFIC ADVISORY 🚗
Pansamantalang isasara ang kahabaan ng MacArthur Highway sa darating na January 18, 2025, Sabado upang bigyan ng daan ang Grand Parade bilang panimula ng HALAMANAN FESTIVAL.
Layunin din nito na bigyan ng kaligtasan at seguridad ang mga makikilahok sa parada na magmumula sa San Miguel Corporation (Barangay Sta. Cruz) patungong munisipyo at sa crossing ng C. Mercado Street.
Habang, pinapayuhan ang lahat na dumaan sa mga alternatibong ruta na makikita sa larawan.
Source: Atty. Agay Cruz