24/09/2025
๐ง๐ฅ๐๐๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ข๐๐ฌ๐๐ฅ๐ก๐ข ๐๐ง ๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐๐ก๐ฆ๐ฌ๐, ๐ฆ๐จ๐ฆ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ข ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ "๐ข๐ฃ๐ข๐ก๐"
Dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng ๐๐ฆ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฆ ๐๐ณ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐๐ต๐ฐ๐ณ๐ฎ "๐๐ฅ๐ค๐ฃ๐", sinuspinde ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno at klase sa ilang probinsya sa Luzon at Visayas sa Setyembre 25, 2025 (Huwebes).
Ayon sa แดแดแดแดสแดษดแด
แดแด แดษชสแดแดสแดส ษดแด. 101 na inilabas ng Malacaรฑang ngayong araw, Setyembre 24, 2025, sinuspinde ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa ๐๐จ๐ซ๐ฌ๐จ๐ ๐จ๐ง, ๐๐๐ฌ๐๐๐ญ๐, ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ก๐๐ซ๐ง ๐๐๐ฆ๐๐ซ, ๐๐ญ ๐๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ๐ง ๐๐๐ฆ๐๐ซ. Kasama rin sa suspensyon ang klase sa lahat ng antas sa ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง, ๐๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ช๐ฎ๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ฆ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐๐ฎ๐ซ, ๐๐๐ญ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง๐๐ฌ, ๐๐ฅ๐๐๐ฒ, ๐๐๐ฆ๐๐ซ, ๐๐ญ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ซ๐๐ง.
Ang suspensyon ay batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong "Opong."
Gayunpaman, tiniyak ng pamahalaan na ang mga ahensyang responsable para sa mga pangunahing serbisyo, paghahanda, at pagtugon ay magpapatuloy sa kanilang operasyon. Ang mga hindi-vital na empleyado ng gobyerno ay maaaring magtrabaho sa ilalim ng alternatibong mga kaayusan na naaayon sa mga batas, panuntunan, at regulasyon.
Samantala, ang lokal na pagkansela o suspensyon ng klase at/o trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa ibang lugar ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local Chief Executives.
Para naman sa mga pribadong kumpanya at opisina, ang suspensyon ng trabaho ay nakabatay sa desisyon ng kanilang mga pinuno.
Ang nasabing circular ay pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, sa awtoridad ng Presidente.
Sa huli, pinapayuhan ang publiko na maging alerto at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan.