11/06/2025
LANTARAN NA TALAGA ANG KORAPSYON SA ILANG EMPLEYADO NG CALOOCAN CITY HALL!
Mayor Along Malapitan, baka naman po pwedeng masilip ninyo ang ginagawa ng ilang empleyado ninyo sa City Hall lalo na sa Traffic Section.
Ganito po ang nangyari sa akin, Noong February 4, 2024, natiketan ako ng Caloocan Police dahil sa Dress Code Violation sa ilalim ng MMDA Single Ticketing System. Inaamin ko, natagalan akong bayaran ang violation na ‘yon, hanggang sa na-flag na ako sa LTO portal ibig sabihin, hindi na ako makakapag-transact sa LTO hangga't hindi ko ito naso-settle.
Kaya nitong June 10, 2025, nagpasya na akong ayusin. Dumiretso ako sa Caloocan City Hall, sa 6th floor (Traffic Section yata 'yon). Kinuha ang lisensya ko para i-check ang violation ko. Matapos ang ilang minuto, tinawag ako ng isang empleyado.
Pagbalik ko, pinakita nila ang computation ng dapat kong bayaran ₱9,300 daw. Samantalang ang Dress Code Violation ay ₱500 lang base sa MMDA system. Nagtaka ako pero hindi muna ako nagkomento. Ang sabi pa sa akin, “Pwede ka naman namin bigyan ng amnesty, kalahati na lang babayaran mo.”
Medyo kaduda-duda na talaga, kaya umalis na lang ako at naghanap ng ibang paraan. Pag-uwi ko, na-discover ko ang official site ng Single Ticketing System.
Ito ung MMDA PORTAL: https://ln.run/mmda-portal-singleticketing-website
Ito ung LTO PORTAL: https://ln.run/lto-portal-singleticketing-website
Doon ko nakita na ₱500 lang talaga ang violation ko. Kaya binayaran ko online at ilang minuto lang, na-lift na agad ang alarm sa LTO portal ko.
Tanong lang, bakit sa City Hall ₱9,300 ang singil, pero sa official system ₱500 lang? Saan galing ang sobrang ₱8,800? Anong klaseng "amnesty" ang sinasabi kung mismong system ay malinaw ang halaga?
Public Safety and Traffic Management Department – Caloocan City, sana po ay maipaliwanag ninyo ito. Kung ganito ang sistema, ilang motorista pa kaya ang nabibiktima araw-araw?