AKLAT PH

AKLAT PH Welcome mga idol dito sa page ng AKLAT PH

Ang maalamat na kuwento ng Deftones 😁🤘Nasa koment ang bidyo mga idol 🔥
20/12/2025

Ang maalamat na kuwento ng Deftones 😁🤘
Nasa koment ang bidyo mga idol 🔥

Bago pa nakilala ang My Chemical Romance noong panahong unti unti ng sumisikat ang tugtugang emo ay una nang nakilala at...
12/12/2025

Bago pa nakilala ang My Chemical Romance noong panahong unti unti ng sumisikat ang tugtugang emo ay una nang nakilala at sumabog sa eksena ang bandang mula sa Utah—ang The Used. Isang banda na nagtataglay ng musikang niyakap din ng masa noong early 2000s..
Katunayan ay sila talaga ang maituturing mong umakay at unang nagpakilala sa My Chemical Romance para maabot ng mga ito ang tagumpay na kanilang tinamasa.
Oo mga idol, kabaligtaran yan ng paniniwala ng marami saten. Dahil siguradong marami sateng mga pinoy na nakilala lang ang The Used dahil sa cover song nila ng My Chemical Romance na Under Pressure-----
Kasamaang palad ay yun na din ang pinakahuling pagsasama ng dalawang banda dahil ang mabuting pagkakaibigan ay nauwi sa rivalry at away ng kanilang mga bokalista na inabot ng 20 taon....
Nasa YT natin ang buong kuwento 👌

Sa dami na ngayon ng CONTENT CREATORS  na makakakita ng post ko na ito, siguro marami na din yung nakakapansin o nakakau...
04/10/2025

Sa dami na ngayon ng CONTENT CREATORS na makakakita ng post ko na ito, siguro marami na din yung nakakapansin o nakakaunawa na M3NTAL H3ALTH talaga natin ang binubugbog sa paggawa ng content... Yan ang dahilan kung bakit maraming vloggers ang nagkaroon ng matinding d3pressi0n, nagkakaroon ng malalang sakit at yung iba pumapanaw.. dahil madalas tlgang puyat tayo d2.. str3ss.. babad sa cp/laptop, at nagkakaroon ng unhealthy lifestyle.. lalo na kapag marami nang nag aabang ng upload mo...
Yan yung hindi naiintindihan ng mga TAONG sa KINIKITA lang nakatingin... Yung akala easy money ang paggawa ng video.... Isa na din ako sa nag-iisip nyan dati... Noong makatikim akong kumita sa youtube, hindi ako nagpahinga... Hindi ko pinansin yung pagod, puyat at str3ss kasi malaki ang kita e... Oo kaya mong kumita d2 ng 5 to 6 digits monthly kapag andun ka na sa taas kht hndi mo pa maabot ang level ng mga sikat tlga.. hndi ka pa ba sisipagin nun? Syempre hahataw ka talaga...
Pero yun nga lang... Sasampalin ka na lang ng katotohanan isang araw kapag andyan na yung masamang epekto nya... Dahil lagi kang puyat/str3ss nagiging sakitin ka na... Taba taba mo na dahil hindi mo na mapapansing unhealthy na pala ang lifestyle mo.. Sira na ang boses kakarecord hanggang madaling araw, yung naipong str3ss kapag nauubusan ka na ng ideas o kakaisip kapag wala ka nang maicontent... Kakadepr3ss yun lalo na kapag anjan na ang pagbagsak ng views mo...
So... Tinatamad nga ba ako? Hindi ko din alam... tlga lang ang hirap ipaliwanag ng sarili... 4 years na din kasi ako sa pagiging content creator kaya sa ngayon mas pinipili ko munang magdahan dahan, eenjoy muna ang sarili.. Ok pa rin nmn ang channel ko, hindi naman ako tumitigil talaga.. sinusubukan ko naman laging ibalik yung gigil.. pero hindi yung tipong ipi-pressure ko ang sarili ko, dahil ayaw kong maging biktima din ako ng d3pressi0n kung ipipilit ko kht sa panahong alam ko sa sarili kong wala ako sa tamang kondisyon.. gumagawa lang ako ng video kapag okay ako. Dahan dahan muna.. total sa huli naman tlaga e ang pagiging content creator e hindi na lang lagi tungkol sa kwarta... Dpat mo isaalang alang talaga ang health/m3ntal health mo... kaya dapat enjoy ka sa ginagawa mong content... Kapag str3ss na, pahinga.. pahangin muna at baka sam-an ng lasa 😂😂😂
Syempre, salamat lagi ng marami sa patuloy pa ring sumusuporta sa AKLAT PH.. Mahal ko kayo.. Godbless 😁😘

Kain  muna ng lugaw sa ibabaw ng bundok 😅 🥶
04/10/2025

Kain muna ng lugaw sa ibabaw ng bundok 😅 🥶

Noong sumikat ang Backstreet Boys ay biglang lumabas ang NSYNC, ang boyband na naging malaking banta sa kanilang karera....
17/09/2025

Noong sumikat ang Backstreet Boys ay biglang lumabas ang NSYNC, ang boyband na naging malaking banta sa kanilang karera... Pero sarili pala nilang manager ang palihim na bumuo ng kalaban nilang ito... hindi lang para mas malaki ang knyang kita, kundi para magamit nya ang mga boybands ito sa mas malaki pa nyang negosyo..... masamang negosyo....
Maihahalintulad natin si Lou Pearlman sa mga Pulitiko at Kontraktor na ubod ng sakim sa salapi... Siya ang bumuo ng mga boybands na Backstreet Boys, NSYNC, O-Town, Take 5 at iba pa... Isang maituturing na henyo at malaking parte ng kasaysayan hindi lang ng music industry kundi pati na rin sa mga TV reality singing contests.. Siya ang pumerpekto ng sistema ng pagbuo ng manufactured music groups na naging inspirasyon din ng pagbuo ng uso ngayong KPOP... Pero kasamaang palad ay ginamit nyang lahat yan dahil lang sa kanyang kasakiman...
Alamin natin ang kuwento ng kanyang buhay. Paano nyang binuo at ginago ang mga paborito nating boybands? Bakit nga ba sya naging alipin ng pera?
7am ang labas ng ating video na ito sa AKLAT PH sa yt natin..
Magandang umaga mga idol 🤗

BIGYAN NG TITLE 😂Tuwi na lang nagbubukas ng cp para lumikha ng bagong istorya,Hindi maiwasang hindi mapako ang mata sa k...
09/09/2025

BIGYAN NG TITLE 😂
Tuwi na lang nagbubukas ng cp para lumikha ng bagong istorya,
Hindi maiwasang hindi mapako ang mata sa karumal dumal na nakikita
Ito kasing mahal na Pilipinas na nalulugmok sa kahirapan
Lantad latarang binababoy at pinagnanakawan
Yung mga taong pinagkatiwalaan at minamahal ng taumbayan
Ay sila yung kalaban sa dilim na palihim na nagbubulsa ng kaban ng bayan..
Sa pagkakataong ito... Kapag ang parusa ay hindi nila dinanas..
Hindi ko na alam kung saan pupulutin ang Pilipinas...
Magpapatuloy lang ang pagnanakaw nila...
Habang tayong mga Pilipino ang patuloy na magdudusa...

-AKLAT PH

May bago tayong video mga idol sa yt natin.. Halos 1 month din akong hindi nakaupload pasensya na 🤗
06/09/2025

May bago tayong video mga idol sa yt natin.. Halos 1 month din akong hindi nakaupload pasensya na 🤗

RIP Prince of Darkness Ozzy Osbourne... Nakakagulat ang biglang pagpanaw ni Ozzy Osbourne na isang linggo lang ang nakak...
22/07/2025

RIP Prince of Darkness Ozzy Osbourne... Nakakagulat ang biglang pagpanaw ni Ozzy Osbourne na isang linggo lang ang nakakaraan ay nakapagsagawa pa ng kanyang Farewell Tour... Panoorin ang kuwento ng kanyang bandang Black Sabbath sa koment seksyon

Stuck on You, Hello, Endless Love, Say you Say Me.... ilan lamang yan sa mga napaka-Timeless na kantang nilikha ni Lione...
10/07/2025

Stuck on You, Hello, Endless Love, Say you Say Me.... ilan lamang yan sa mga napaka-Timeless na kantang nilikha ni Lionel Richie... Sa sobrang kasikatan nya dati e nagawa nya ngang mapapayag ang isang Michael Jackson na makapartner nya sa pagsusulat ng napaka-iconic na kantang We are the World noong 1985.. Pero pagpatak ng 1986 sa peak ng kanyang katanyagan ay biglang naglaho si Lionel Richie sa mata ng publiko... Ano nga ba ang nangyari? Pag-usapan natin ang makulay na buhay at karera ni Lionel Richie ngayong 4pm ph time sa ating YT...
Maraming Salamat mga idol... Magandang araw at ingat kayong lahat.

Bagong bidyo.. Magandang araw mga idol ❤️
05/07/2025

Bagong bidyo.. Magandang araw mga idol ❤️

May bago tayong bidyo mga idol sa ating yt, post ko na din dito kasi may LQ pa kmi ng yt, d na nya kinakalat ang bidyo k...
24/05/2025

May bago tayong bidyo mga idol sa ating yt, post ko na din dito kasi may LQ pa kmi ng yt, d na nya kinakalat ang bidyo ko 🤣
Sya si Sinéad O'Connor, isang napakasikat na singer, producer, songwriter at aktibista... Ang kanyang kinakalaban? Simb@hang Kat0liko...

Maiba naman mga idol, pag-usapan natin ang napakalungkot na buhay at pagpaslang sa original singer ng Aint No Mountain H...
18/05/2025

Maiba naman mga idol, pag-usapan natin ang napakalungkot na buhay at pagpaslang sa original singer ng Aint No Mountain High Enough na si Marvin Gaye... Hindi nakaranas ng pagmamahal sa sariling ama mula pagkabata pero binigyan nya pa rin ito ng magandang buhay noong sumikat sya, na sa huli ay itong sariling ama pa rin nya ang tatapos ng kanyang buhay... Alamin natin ang kwento ngayong Linggo, 5pm (ph time) sa ating yt channel..
Maraming Salamat mga idol.. Godbless

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AKLAT PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to AKLAT PH:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share