Bry de Facts

Bry de Facts Facts, updates, and soundbites that matter.

04/05/2026

IMPEACHMENT COMPLAINTS VS VP SARA, LUSOT NA SA KOMITE

Unanimously approved ng 55 miyembro ng House Committee on Justice ang committee report na tumutukoy sa probable cause para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Mayo 4.

04/05/2026

XFM News Nationwide April 4, 2026 with Katropang Buddy Oberas at Bryan de Paz

'BINABABOY NA AKO'
03/05/2026

'BINABABOY NA AKO'

JAY SONZA, PINAYAGAN NA NG KORTE NA MAKAPAGPIYANSAKinumpirma ni Atty. Mark Tolentino na pinayagan na ng Pasay City Regio...
03/05/2026

JAY SONZA, PINAYAGAN NA NG KORTE NA MAKAPAGPIYANSA

Kinumpirma ni Atty. Mark Tolentino na pinayagan na ng Pasay City Regional Trial Court na makapagpiyansa ang dating broadcaster na si Jay Sonza.

Ayon sa legal counsel, itinuwid ng korte ang nauna nitong court order noong Abril 30, 2026 na nagsasaad ng “no bail” sa kaso.

Mula rito, pinayagan na si Sonza na maglagak ng ₱10,000 na piyansa kaugnay ng kasong Unlawful Publication.

Dahil sarado ang korte ngayong araw, sinabi ni Atty. Tolentino na bukas pa sila maagang tutungo sa korte upang maisakatuparan ang paglagak ng piyansa at ma-secure ang pansamantalang kalayaan ng kaniyang kliyente.

TORRE: SIDEWALK AT KALSADA, USAPIN NG KALIGTASAN HINDI LANG ESTRUKTURABinigyang-diin ni Metropolitan Manila Development ...
03/05/2026

TORRE: SIDEWALK AT KALSADA, USAPIN NG KALIGTASAN HINDI LANG ESTRUKTURA

Binigyang-diin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre na hindi simpleng usapin ng pagtitinda sa bangketa ang isyu, kundi ito ay direktang may kinalaman sa buhay at kaligtasan ng publiko.

Ayon sa kanya, kapag nasasakop ang mga sidewalk at kalsada, nawawala ang ligtas na daanan ng mga tao, sumisikip ang daloy ng trapiko, at tumataas ang panganib ng aksidente.

Giit pa niya, hindi kontrolado ang mga aksidente, pero maiiwasan ang mga kondisyon na nagdudulot nito sa pamamagitan ng maayos na pagpapatupad ng batas.

Dahil dito, nagpapatuloy ang clearing operations at ipinagbabawal ang illegal vending sa mga delikadong lugar.

Nilinaw rin niya na hindi ito laban sa mahihirap, kundi laban sa peligro. Gayunman, binigyang-diin din ang pangangailangan ng maayos na alternatibo at disenteng kabuhayan upang hindi mapilitang bumalik sa mapanganib na sitwasyon ang mga apektadong sektor.

📷Nicolas Torre

FIRST LADY LIZA MARCOS, NAKIPAGPULONG SA ASEAN SUMMIT LIAISON OFFICERSIbinahagi ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang ka...
03/05/2026

FIRST LADY LIZA MARCOS, NAKIPAGPULONG SA ASEAN SUMMIT LIAISON OFFICERS

Ibinahagi ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanyang pakikipagpulong sa mga Leaders’ Liaison Officers bilang bahagi ng paghahanda para sa 48th ASEAN Summit na ginanap sa Malacañang Palace noong Abril 30.

Ayon sa kaniyang social media post, tinalakay sa pulong ang mga koordinasyon at preparasyon para sa inaasahang pagdating ng mga lider at delegasyon mula sa iba’t ibang bansa sa rehiyon.

📸 Courtesy: Liza Araneta-Marcos / Facebook

03/05/2026

AKBAYAN LAWMAKER NAG-JETSKI SA WEST PH SEA

03/05/2026

XPRESS THE NEWS | May 3, 2026 with katropang Bryan De Paz

WORLD PRESS FREEDOM DAYIpinagdiriwang tuwing Mayo 3 ang World Press Freedom Day, isang pandaigdigang paggunita na itinat...
03/05/2026

WORLD PRESS FREEDOM DAY

Ipinagdiriwang tuwing Mayo 3 ang World Press Freedom Day, isang pandaigdigang paggunita na itinatag ng United Nations upang kilalanin ang mahalagang papel ng malayang pamamahayag sa demokrasya at lipunan.

Layunin nito na paalalahanan ang publiko at mga pamahalaan na ang isang malayang media ay mahalaga sa pagpapanagot ng mga nasa kapangyarihan, pagbibigay ng tamang impormasyon, at pagprotekta sa karapatan ng mamamayan na malaman ang katotohanan.

Sa araw na ito, binibigyang-diin din ang kaligtasan ng mga mamamahayag na patuloy na humaharap sa banta, pananakot, at karahasan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Sa iba’t ibang bansa, may mga kaso ng censorship, harassment, at pagkakakulong ng mga journalist dahil sa kanilang trabaho.

Sa Pilipinas, patuloy ang usapin tungkol sa media freedom, kabilang ang mga hamon gaya ng fake news, red-tagging, at seguridad ng mga reporter sa field assignments.

Higit sa lahat, paalala ng World Press Freedom Day na ang malayang pamamahayag ay hindi lamang karapatan ng media, kundi karapatan ng bawat mamamayan na makakuha ng tama, malaya, at walang kinikilingang impormasyon.

TAMA BA??
03/05/2026

TAMA BA??

BABAENG NAPUTULAN NG BINTI MATAPOS MAGULUNGAN NG TRAK, STABLE NA ANG KUNDISYONUPDATE: Nasa maayos at stable na kondisyon...
03/05/2026

BABAENG NAPUTULAN NG BINTI MATAPOS MAGULUNGAN NG TRAK, STABLE NA ANG KUNDISYON

UPDATE: Nasa maayos at stable na kondisyon na ang 24-anyos na empleyada ng personal care shop matapos operahan, makaraang maputulan ng kaliwang binti nang magulungan ng truck sa CM Recto Ave. kanto ng Delpan St., Sabado ng gabi, Mayo 2, 2026.

(Contributed photo)

BABAE, NAHULOG SA TRICYCLE NAGULUNGAN PA NG TRAKSugatan ang isang 24-anyos na babae matapos mahulog mula sa sinasakyang ...
03/05/2026

BABAE, NAHULOG SA TRICYCLE NAGULUNGAN PA NG TRAK

Sugatan ang isang 24-anyos na babae matapos mahulog mula sa sinasakyang tricycle at magulungan ng trailer truck ang kanyang kaliwang binti sa Delpan St., Brgy. 18, Tondo, Maynila, Sabado ng gabi, Mayo 2, 2026.

Ayon sa ama ng biktima, pauwi na ang kanyang anak mula sa trabaho nang mangyari ang insidente. Dahil sa tindi ng pinsala, kinakailangan umanong putulan ng binti ang biktima.

(Courtesy: MDTEU)

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bry de Facts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share