
21/08/2025
TIGNAN | Pagkakaisa dahil sa Wika: Buwan ng Wika sa The Great Plebeian College
Umigting ang tinig at kulay ng wika sa The Great Plebeian College noong Agosto 18โ20, 2025 sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ na pinangunahan ng Filipino Club.
Nag-aapoy ang mga kulay nang ipalamas ng mga estudyante ang kanilang pagma-mahal sa bayan gamit ang pagguhit ng Poster. Pagpapamalas ng mga kaalamang pang-kasaysayan naman sa tagisan ng talino. At pagkabuhay ng diwang Pilipino sa pagsulat ng sanaysay.
Dinig na dinig naman ang tawanan, sigawan, at pagkakaisa sa mga mag-aaral at g**o nang ganapin ang mga larong Pinoy tulad ng duck race, calamansi relay, caterpillar baloon relay, at paper dance.
Ang pagtatapos ng selebrasyon ay puno ng saya at kulay dahil sa ipinamalas na talento ng League of Performing Artist (LPA), ang tinig ng mga kalahok sa isahang pag-awit, at ang makulay na kasuotan na ibinahagi ng bawat estudyante.
Isinulat nina: Clyra Jade Ravarra at Ramjay Agloro / THE PLEBEIAN TORCH
Larawan mula kina: James Patrick Trucilla at Kaelah Amansec / THE PLEBEIAN TORCH