
02/09/2025
Sana all may work
Super Agree👍👍
Bakit ?Kase noong dumating ako dito gustong gusto ko na mag work pero mahirap makahanap agad lalo't hindi pa ako nakakapagsalita ng Italian kahit basic lang sana ..May isang buwan na nasa bahay lang ako mag-isa minsan dahil iniiwan ako ng asawa ko kapag pupunta sya sa work nya.Sobrang lungkot ko noon kaya lagi ko kinukulit ang asawa ko na hanapan na ako ng work dahil feeling ko kapag mas tumagal na wala akong ginagawa lalong nagugustuhan ng katawan ko haha.Opo mahirap na kombinsihin ang sarili ko na magtrabaho kapag matagal akong nagpahinga .Kidding aside 😄✌️
Pero seryuso kapag nasa ibang lugar o bansa ka marami kang gustong pasyalan at pagkain na gustong matikman (pizza,gelato,cheese at marami pang iba)pero ayon nga wala akong pera,kaya atat na si ante nyo mag work at sempre gusto ko na din magbigay ng share sa groceries,load sa cellphone at ticket sa bus.Iba ang stress ng walang trabaho.
Fast forward nakahanap na ako ng work tapos meron ulit hanggang sa meron ulit ang ending 4 na ang amo..
Baka sabihin mo 'Bakit ang dami namang amo yan!' - Apat ang amo ko kase part-timer lang ako yong iba 5-7 ang amo nila.
At ayon nga nawo-work na ako at nami miss ko na yong panahon na nakahilata lang ako buong araw ,magigising ng alas 8 kakain ng umagahan tapos tulog ulit hahaha basta ganon..Pero na realised ko 'may work man ako o wala 'nariyan parin si stress..Pero pinipili ko na lang maging positibo sa mga trabaho ko.
Kaya pinili ko na lang mag enjoy sa trabaho dahil may sweldo kesa noon wala akong work stress na nga wala pa sahod 🤣Gets mo ba ako? 🤑🤣