
22/09/2025
Sa hapag-kainan nagsisimula ang mga kwento ng ating pamilya, ng mga tawang dumadaloy na hindi kailanman malilimutan, ng mga payong nagmumula sa karanasan at karunungan, at mga simpleng sandaling mananatiling bahagi ng alaala habang buhay. Hindi lamang pagkain ang nakahain sa mesa, kundi pati pagmamahal, pagkalinga, at pagdamay ng bawat miyembro ng pamilya.
Sa bawat pagsasalo-salo, higit pa sa tiyan ang nabubusog; nabubuo rin ang diwa ng pagkakaisa at samahan. Ang hapag ay nagiging tulay upang magtagpo ang mga kwento ng bawat isa mula sa hirap at pagod ng magulang, sa mga biro at halakhak ng mga anak, hanggang sa mga tahimik na ngiti na nagpaparamdam ng tunay na pag-ibig.
Kaya ngayong National Filipino Family Week, sama-sama nating ipakita na ang ay hindi lamang simpleng tradisyon, kundi isang pamana na nagpapatibay sa bawat tahanan. Inaanyayahan namin kayong ibahagi ang inyong family meal photo - mga larawang nagsasalaysay ng inyong sariling kwento ng pagmamahalan at pagkakaisa. Ipakita natin sa lahat na ang bawat kainan, gaano man kasimple ay isang selebrasyon ng pusong Pilipino: matatag, mapagmahal, at buo para sa pamilya!
✍️|Precious Emerald A. Benaso
💻| James Bryan E. Atok