13/09/2026
Minsan, may mga prayers tayo na hindi agad natutupad. May mga hinihiling tayo na matagal nating hinihintay, pero hindi dumarating sa panahong gusto natin. Dahil dito, minsan naiisip natin, “Naririnig pa ba ako ng Panginoon?” o “Bakit parang walang sagot ang Diyos sa panalangin ko?”
Pero tandaan natin, ang “wait” ng Diyos ay hindi nangangahulugang nakalimutan Niya tayo o hindi Niya tayo pinapakinggan. Minsan, sinasabi Niya sa atin na “wait” dahil may ginagawa Siya na hindi pa natin nakikita. Habang naghihintay tayo, maaaring inihahanda Niya tayo, inaayos Niya ang mga bagay sa paligid natin, o inihahanda Niya ang isang bagay na mas higit pa sa hinihiling natin.
At minsan naman, ang sagot ng Diyos ay “no.” Hindi ibig sabihin nito na ayaw Niya sa atin o hindi Niya gustong ibigay ang ating hinihiling. Minsan, ang “no” ng Diyos ay paraan upang ilayo tayo sa kapahamakan, at my inihahanda syang mas maganda pa kesa sa hinihiling naten.
Kaya ang pinakamahalaga ay hindi lamang kung ano ang magiging sagot ng Diyos sa mga hinihiling natin, kundi ang manatili tayong nagtitiwala sa Kanya kahit hindi iyon ang sagot na gusto natin.