26/08/2026
grabe tong laban na to men, salamat kay Izac dahil sa malakas niyang hinanda para saken dito pero gusto ko din bigyan ng props sarile ko dito kahit di ko na naspit yung r3 ko dito sayang... don ko nilagay yung pinakamalalakas ko para sa laban na to, sorry dahil di ko natapos ng malakas pero babawi ako sa mga susunod ko na battle, napa long cap lang ako dahil naalala ko lang yung disappointment ko sa sarile ko pagtapos ng laban na to but I ain't stayed/staying down dahil unli naman ang bawi.
salamat sa mga pahayag niyo saken tungkol sa battle na to na halos lahat positibo, natutulungan niyo akong hindi panghinaan ng loob o makadama ng "hardwatch" sa battle na to🫶🏻
syempre salamat din sa kuwagagohan sa tuloy na tiwala saken hehe
"Kailangan na iwanan yung pagiging burara
At mga susunod ko na hakbang ay dapat na planuhin
Sarili ko lang din ang kaaway ko na mortal
At balang araw alam ko na makakaya kong talunin" - Zaki
Izac vs Ashra https://youtu.be/3XjngsExXqE
HAMPASAN! HAMPASAN! HAMPASAN! HAMPASAN!