04/11/2025
NANINIWALA KABA SA HIWAGA NANG BUHAY?
✍️ kweto ni Lyka ng Suriago
Bata palang ako ay Marami na akong na saksihang kaganapan sa buhay ko. Hindi ko alam kung gifted ba ko o sadyang mahiwaga ang buhay.
Tanda ko noon 2 years old palang ako ay mulat na ako sa pangyayari at Lugar. Meron kaming maliit na bahay walay electricfan o kahit anong bintana man na daluyan ng hangin. Hindi ko malilimotan ang gabi-gabing parang kalbaryo sa sobrang init. At mosmos palang ako ay alam kona kung saan natotoon ang attention ng aking mga magulang. Lingid sa kaalaman ng lahat ang prebelihiyo ay napupunta sa nakaka tandang tandang kapatid ko.Opo! Out of place lagi ako mula sa binilhan ng bagong damit ate ko na samantalang ako ay wala. Nung nag 3 years old ako, tandang tanda ko pa na may kalaro ako na kapit bahay namin. Namatay sya sa sakit ng tyan, Alam kung patay na sya Peru kalaro ko sya sa labas ng bahay nila. At pinipigilan nya akong pumasok sa bahay nila ay dahil sa malongkot ang bahay nila. Ako lamang bukod tanging nakaka kita sa kanya.
At minsan Din sa aming baybayin ay palaging may patay at tanda ko pa may malaking puno sa tabing dagat at pagatpat ang tawag namin Don. Minsan ay nalulunod... kaya nong minsan ay naligo kami NG kapatid ko sa tabing dagat at ang ate ko ay lumingon sa kawalan dahil daw may tumawag sa kanyang pangalan. Ang bilis ng pangyayari Bigla nalang may humila sa akin pailalim at nakahiga ako mismo sa seafloor na PAra bang may humawak sa akin at hindi ako maka galaw.
Matapos ang ilang minuto ay lumingon ang ate ko sa akin at agad naman akong pinakawalan ng kung sino mang nilalang ang humawak sa akin sa ilalim ng dagat. At na Paubo ako at hinabol ko ang hangin sa dami ng dagat tubig na nainom ko. Kinuwento ko agad sa ate ko habang ubo ng ubo Peru hindi sya naniwala. Don ko napagtanto na kaya pala ang daming namamatay Don dahil may kung anong elemento ang humihila pababa.
(to be continue).....