05/10/2023
RECAP: Nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese noong Setyembre 8. Nilagdaan nila ang Joint Declaration on Strategic Partnership para pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas at Australia, habang kasama rin sa napagkasunduan ang Holiday Visa Arrangement at ang National Soil Health Strategy.
77 taon nang magkaibigan ang dalawang bansa, at itong pagdalaw ni Prime Minister Albanese ay ang unang pagbisita ng isang Australian head of State sa nakalipas na dalawampung taon.