02/08/2025
FROM EXCITED TO EMOTIONAL: NA-SNATCHAN AKO SA NIKE COURTYARD
Sobrang excited ako kasi once in a lifetime lang yung chance na makita ko si Ja Morant in person. Ginarind ko lahat ng pa-event ng Nike para lang makakuha ng slot. Sumali ako sa Nike Park Philippines Arcade Challenge, pero sobrang intense ng competition. Sa halip na sumuko, lumaban ulit ako sa Toby's Sports BGC, dalawang araw akong bumalik para lang maka-12 points. At nakuha ko rin sa wakas!
Grabe 'yung saya. Nai-imagine ko na ‘yung moment na makikita ko si Ja Morant, mabibili ko pa signature shoes niya. Kaya sa araw ng event, nag-early out ako sa trabaho, dumiretso ako sa Nike Courtyard.
Pagdating ko, naligaw pa ako sa likod ng venue, pero nang nakita ko na ‘yung tamang entrance, sobrang dami ng tao dikitan, siksikan. May mga nagsisitaas ng ticket, kaya tinaas ko na rin ‘yung akin. Pero nung chinek ko ‘yung bulsa ko... wala na ‘yung Iphone ko.
Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Nawala lahat ng excitement napalitan ng takot at kaba. Naghanap agad ako ng guard at police, humingi ng tulong. Tinuro nila ako papunta sa police station, pero ang hirap kasi walang naghatid o sumama man lang sa akin. Nakailang tanong ako, ilang lakad papunta lang sa opisina. Sa isang event na sobrang dami ng tao, sana may mas malinaw na security at assistance protocol. Sana rin 'pag may ganitong insidente, may pulis na kayang tumulong o mag-assist agad.
🙏 PAALALA PARA SA LAHAT:
Kung pupunta kayo sa mga ganitong event:
✅ Huwag hayaang nakalantad o madaling maabot ang phone
✅ Gumamit ng anti-theft bags or belt bags
✅ Maging alert kahit gaano ka pa ka-excited
✅ Alamin kung nasaan ang mga security staff at exit points
✅ I-report agad kung may nawala — huwag mahiyang magsalita
Ang saya ko sanang makita si Ja Morant, pero ‘yung nawala kong phone ang mas naalala ko. Kaya sa mga organizers at authorities, sana mas mapagtuunan ng pansin ang crowd control, real-time assistance, at proper coordination sa ganitong malalaking events.