
10/09/2025
๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป: โ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ, ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ: ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐จ ๐จ๐ป๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ผ๐ณ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎโ
Ni Jeremy Jacob B. Pagulayan
Agosto 28, 2025 - Taun-taon ipinagdiriwang sa buong bansa ang Buwan ng Wika sa PCU Union High School, ang pagdiriwang na ito ay naging isang makabuluhang pagkakataon upang maipakita ng mga Unionites ang kanilang husay, galing, at pagmamahal sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Sa pamamagitan ng ibaโt ibang pagtatanghal at gawain, pinatunayan ng mga mag-aaral at g**o na ang Filipino ay hindi lamang wika ng pakikipag-usap, kundi wika ng pagkakaisa, pagkakakilanlan, at patuloy na pag-unlad ng pamayanan. Ang Pangwakas na Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nagsisilbing pagbubuklod sa buong paaralan upang higit pang malalim ang pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura.
Sa temang โPaglinang sa Filipino, at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansaโ, ipinagdiwang ng buong paaralan ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng isang makulay at makabuluhang pangwakas na pagdiriwang.
Opisyal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Entrance of Colors ng mga Boy Scouts, na sinundan ng taimtim na Panimulang Panalangin na pinangunahan ni Bb. Viktoria Jireh T. Tongol. Pinatingkad naman ang diwa ng pagkakaisa sa sabayang pag-awit ng Lupang Hinirang sa pangunguna ni Bb. Elizabeth Leigh M. Tandoc. Matapos nito, nagbigay ng makabuluhang Pambungad na Pananalita si Gng. Marites Bigtacion, at sinundan ng pagbasa ng mensaheng pagbati ni Gng. Eleen Asino para kay Rodina B. Autencio.
Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang makulay na pagtatanghal ng Teatrong Filipino, isang adaptasyon mula sa Noli Me Tangere. Sinundan ito ng pagpapakilala sa mga iginagalang na hurado ng patimpalak na sina Bb. Gloria Nabus, G. George Bernard, at Bb. Samantha B. Montaรฑez, sa pangunguna ni Bb. Kimberly Sayson.
Matapos ipakilala ang mga hurado, agad na sinundan ito ng pinakahihintay na bahagi ng programa, ang patimpalak sa Sabayang Pagbigkas, na tunay na nagpasigla at nagbigay-inspirasyon sa mga nanonood.
Unang nagpakitang-gilas ang pangkat 8โCamia, na sinundan ng 8โRose at 9โDaffodil. Pagkaraan nito, muling pinasigla ng 7โSampaguita ang programa sa pamamagitan ng kanilang makabuluhang Awiting Bayan. Nagpatuloy ang pagtatanghal sa husay ng 9โHyacinth, 10โCallalily, at 10โEaster Lily. Sa huli, muling ipinamalas ng 7โCarnation ang kanilang sariling bersyon ng Awiting Bayan na nagdagdag ng kulay at sigla sa buong pagdiriwang.
Pagkatapos ng makabuluhang pagtatanghal ng mga ibaโt ibang pangkat, nagbigay aliw ang Dance Club sa kanilang masiglang sayaw sa pamumuno ni Sir Aristosa, ang kanilang tagapayo. Hindi rin nagpahuli ang Glee Club, na naghandog ng mga awitin na Paro-Parong Bukid at Walang Natira.
Natapos ang unang bahagi ng programa sa opisyal na pagtatanghal at paggawad, at sinundan ito ng Pistang Salo-salo bilang ikalawang bahagi ng selebrasyon. Ginanap ito sa kani-kanilang mga silid-aralan ng bawat pangkat, kung saan nagkaroon ng masayang pagsasalu-salo ang mga mag-aaral. Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay hindi lamang nagbigay ng kasiyahan kundi nagpaalala rin ng kahalagahan ng ating wika at kultura bilang mga Pilipino.
Kasuotang Pinoy:
Grade 10 Easterlily: G. Kenji Tyler Shiseki, Bb. Sofhia Ricci Paynandos
Grade 10 Callalily: G. Mohammad Khamil Alip, Bb. Janelle Marie Sarte
Grade 9 Hyacinth: G. Liam Kim Flores, Bb. Psalm Glino
Grade 9 Daffodil: G. Calix Caranto, Bb. Princess Yasmin Bahaynon
Grade 8 Camia: G. , Bb. Mia Datario
Grade 8 Rose: G. Prince Alexander, Bb. Jerlyn Valdeleon
Grade 7 Sampaguita: G. Adrian Jhao, Bb. Andrieza Princess Gabuya
Grade 7 Carnation: G. Frank Comedis, Bb. Kiella Margaux L. Capulli
Slogan Making Contest:
๐ฅ Unang Gantimpala: Xyrence Duran
๐ฅ Pangalawang Gantimpala: Madeline Medina, Mace Joyce Serania, Mohammad Benhary Alip
๐ฅ Pangatlong Gantimpala: Meesha Canarejo
Poster Making Contest:
๐ฅ Unang Gantimpala: Alexa Yambao
๐ฅ Pangalawang Gantimpala: Aika Shiseki
๐ฅ Pangatlong Gantimpala: Crystal Athena Benavidez
Sabayang Pagbigkas
๐ฅ Unang Gantimpala: 9-Hyacinth
๐ฅ Pangalawang Gantimpala: 10-Callalily
๐ฅ Pangatlong Gantimpala: 10-Easterlily
Inilathala ni: Gianna Elicka Acuna