07/11/2025
Random thoughts kay Faker. Oo buhay pa si Rivv, hindi lang naglalaro.
Akala ko dati napaglipasan na si Faker. Nakita ko kung paano niya binago LoL E-sports nung 2013 hanggang 2017. Literal na one-man carry siya. Nagdecline siya 2019 onwards...
Yun ang inakala ko.
META changes. Inalis excess power sa midlane, nilagay sa botside dahil hindi lang mid ang carry, pati bot rin (kaya nga ADC; attack damage carry). Hindi na gumana faker-centric playstyle. Binigyan ng spotlight ang mid-jungle synergy para walang isang lane ang pwedeng magsnowball sa competitive scene. Tl;dr, "namatay" na ang playstyle na nakilala ang SKT.
Enter T1.
Dito ako talaga nabilib sa mentality ni Faker. Narealize siguro niya na need niyang mag-adapt kung gusto pa rin niya maging relevant sa pro scene kahit nagkakaedad na. Nagshift siya mula sa pagiging sole carry to "support"-ish na role para matulungan niya ibang lanes. Tl;dr ulit, hindi na siya ang nag-iisang carry ng team. Dapat lahat sila may sariling ambag kasi ganun na META eh.
IMO, kaya dominant pa rin ang T1 sa competitive scene ay dahil ang galing mag-adapt ng team. Hindi sila stuck sa kung paano sila nakilala ng mga tao. Tinanong ko si ChatGPT kung gagana pa daw ba ang solo carry mentality ni Faker kung ngayon siya nag debut, sabi:
"No — the old “Faker solo-carry” meta would not work in the modern LoL competitive scene.
But the strategic mindset behind it still exists, just in a very different form."
Para siyang si Kratos ng original God of War vs God of War (PS4-PS5 era). Yung galit saka raw skills ni Kratos nag EVOLVE into strategy at tactics. Hindi bara-bara. Faker is the GOAT not just because of raw talent, but because of his top-tier adaptibility.