19/04/2023
𝗡𝗢 𝗧𝗢 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡𝗜𝗡𝗚
Realtalk? Gusto ninyo ng realtalk?
Bakit nga ba kapag bata tayo, kinokondisyon na tayo ng society, especially ng mga magulang natin na kailangan natin na mag-STUDY HARD, mag-Work Hard, at tsaka, life is a COMPETITION, and that life is a RACE—na kapag babagal-bagal ka, mapapag-iwanan ka.
Ito yung numero unong dahilan kung bakit yung mga bata, ay hindi nagkakaroon ng masayang pagkabata. Bata pa lang, itinanim na satin na napakahirap mabuhay sa mundo. At, ang mundo ay puno ng paghihirap.
Dahil dito, lumaki tayo na so concern about material gain, about the future, na nakakalimutan na natin na mabuhay sa present moment. How many moments of our life have passed, na hindi natin na-eenjoy ang bawat segundo, sa kakaisip natin sa mga bagay-bagay na maaaring mangyari sa future. So, what happened is, we never truly live. Because our attention, our focus, is either on the past, or on the future. This is one of the main reason why tumataas ang level ng social anxiety. Society is the one to be blamed!!!
Bakit instead of saying na " Study Hard, Work Hard"; why not say " Study Joyfully, Work Joyfully?"
Bakit kailangan laging HARD? Yung work hard, play hard, language lang ito ng mga tao na trinitrick yung mind nila by the concept of motivation. You dont need to be motivated. Kung mayroon kang enough determination na makamtan ang isang bagay, you'll get there. Determination and Will lang sapat na...
Sa sinuman na makakabasa nito, I hope na itatak ninyo sa kokote ninyo na life is not a race nor a competition. Never compare yourself with other's achievements. You are just putting pressure sa sarili mo. Kanya-kanya lang yang phase and situation. Rather, focus on what you are doing right now, eventually, you will reap what you sow.
Free ebooks here:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=104671895926827&id=100091520490411&mibextid=Nif5oz