PINAS MEDIA

PINAS MEDIA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PINAS MEDIA, Media/News Company, .

27/06/2025

Kung ngayong araw o bukas gaganapin ang botohan, si Senator Francis “Chiz” Escudero pa rin ang uupo bilang Senate President, ayon kay Senador Alan Peter Cayetano. Sinabi ni Cayetano na may suporta si Escudero mula sa mahigit 13 senador, sapat na numero para masiguro ang panalo sa 20th Congress.

Sinabi naman ni SP Chiz na nasa kamay ng mayorya ng bagong Senado ang desisyon kung siya ay mananatiling Senate President.

Bakit sa harap ni Sen. Risa Hontiveros nanumpa ang mga kinatawan ng Akbayan?Eh di ba sila ang magiging tagausig sa impea...
22/06/2025

Bakit sa harap ni Sen. Risa Hontiveros nanumpa ang mga kinatawan ng Akbayan?
Eh di ba sila ang magiging tagausig sa impeachment? Tapos si Hontiveros naman ay isa sa mga huhusga kay VP Sara.

Paano ‘yan? Magkakampi na bago pa magsimula ang laban???

12/06/2025

Iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na ang pagbabalik ng impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte sa Kamara ay hindi dismissal. Ito aniya ay mahalagang hakbang para tiyaking legal at maayos ang proseso.

Sinabi ni Cayetano na kailangan lang linawin ng Mababang Kapulungan kung pasok ito sa one-year rule at kung itutuloy ito ng 20th Congress. Dagdag pa niya, ito ay para mapanatili ang pagiging patas ng Senado bilang impeachment court.

27/05/2025

Chinese online scam suspects, pinayagang makalaya ng Bureau of Immigration kahit may matitibay na ebidensya.

Ang Immigration Order na nagpapalaya sa mga dayuhang sina Wang Qixin, Chen Jiangsong, at Luo Shang Fen ay aprubado at pirmado ni Immigration Commissioner Joel Anthony M. Viado.

Panoorin ang buong balita:

Sinita ng Commission on Audit ang lokal na pamahalaan ng Tarlac City dahil sa iba’t ibang isyu sa pagbili ng gamot — mul...
09/05/2025

Sinita ng Commission on Audit ang lokal na pamahalaan ng Tarlac City dahil sa iba’t ibang isyu sa pagbili ng gamot — mula sa sobrang taas ng presyo, hindi pag-deliver, hanggang sa zero purchases kahit may malaking budget.

Basahin ang ulat ng Inquirer:

TACLOBAN CITY, Leyte — Tarlac City local government has been flagged by the Commission on Audit (COA) for different issues regarding the purchase of medicines — from overpricing items, failure

Mayor ng Tarlac, iniugnay sa aspalto at basura scandalIniugnay ng COA si Mayor Maria Cristina C. Angeles sa iregularidad...
08/05/2025

Mayor ng Tarlac, iniugnay sa aspalto at basura scandal

Iniugnay ng COA si Mayor Maria Cristina C. Angeles sa iregularidad sa asphalting projects, kabilang ang dobleng bayad, kontratang walang awtorisasyon, at paggamit ng kumpanya ng kanyang asawa.

Hinimok ng COA ang imbestigasyon sa mga sangkot.

Basahin ang buong ulat:

A Commission on Audit (CoA) has linked Tarlac Mayor Maria Cristina C. Angeles to a series of irregularities in multi-million peso asphalting projects, including

Iba’t Ibang Grupo ng Simbahan Kinondena ang Laganap na Pamimili ng Boto sa PangasinanNanawagan ang maraming lider ng sim...
07/05/2025

Iba’t Ibang Grupo ng Simbahan Kinondena ang Laganap na Pamimili ng Boto sa Pangasinan

Nanawagan ang maraming lider ng simbahan mula sa mga bayan sa ika-6 na Distrito ng Pangasinan sa Commission on Elections (COMELEC) na agad kumilos laban sa umano’y “malawakan at lantad na pamimili ng boto” sa buong distrito.

Sa magkakahiwalay na liham na pirmado ng mga lider ng simbahan mula sa Tayug, Umingan, Sta. Maria, Balungao, Rosales, at San Manuel kay COMELEC Chairman George Garcia, inihayag ng mga pastor ang kanilang “labis na pagkabahala” sa mga ulat na may ilang kandidato na umano’y namimigay ng hanggang PHP 3,000 bawat botante kapalit ng suporta sa darating na halalan.

Ayon sa mga liham, ang naturang iskema ng pamimili ng boto ay “nakakakilabot at nakakabahala.”

“Ngunit higit na nakakaalarma ay kung paano sinisira ng pamimili ng boto ang moralidad ng ating komunidad,” dagdag pa nito.

Kinuwestiyon din ng grupo ang kawalan ng kahit isang aresto o konkretong aksyon mula sa mga awtoridad kahit malawak ang ulat ng iregularidad sa halalan.

Ilan sa mga lumiham sa Comelec ay sina Pastor Renato S. Licuan, (Tayug of Christ Christian Church); Pastora Nora Salinas, (Grace Evangelical Church) Pastor Servillano Tintero, (United Church of Christ in the Philippines); Pastora Shiela Dela Cruz (Mt. Calvary Baptist Church).

Matatandaang una ng sumulat si Congresswoman Marlyn “Len” Primicias-Agabas sa COMELEC upang manawagan ng aksyon kaugnay ng umano’y “lantad at garapalan” na pamimili ng boto sa distrito kung saan tahasan niyang inakusahan ang ilang political leaders ni congressional candidate Gilbert Estrella ng pamimili ng boto.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang COMELEC hinggil sa mga alegasyon maliban sa paunang sinabi nitong iniimbestigahan na ang reklamo ni Agabas.

Ang pamimili ng boto ay isang paglabag sa Omnibus Election Code at may katapat na parusang pagkakakulong, at diskwalipikasyon.

06/05/2025

Pinuna ng Commission on Audit (COA) si Mayor Maria Cristina C. Angeles ng Tarlac dahil sa mga iregularidad sa pagbili ng mahigit ₱50 milyong halaga ng gamot at medical supplies sa kaniyang probinsya.

Ayon sa ahensya, kulang sa dokumento ang ilan sa mga transaction. Bukod dito, wala sa listahan ng DOH ang pinagbilhan, at walang permit naman ang ilang suppliers.

Nabulgar sa ulat ng Commission on Audit (COA) na may seryosong iregularidad sa pagbili ng gamot at medical supplies na n...
06/05/2025

Nabulgar sa ulat ng Commission on Audit (COA) na may seryosong iregularidad sa pagbili ng gamot at medical supplies na nagkakahalaga ng mahigit ₱50 milyon sa ilalim ni Tarlac City Mayor Maria Cristina Angeles. Ayon sa COA Fraud Audit Report No. 2025-003, kabilang sa mga biniling gamot ay hindi aprubado sa Philippine National Formulary — isang malinaw na paglabag sa mga umiiral na batas.

Inirekomenda ng COA na panagutin si Mayor Angeles at ang mga sangkot na opisyal sa mga iregularidad na ito.

https://remate.ph/tarlac-mayor-pinagpapaliwanag-ng-coa-sa-kuwestiyunableng-pagbili-ng-p50m-halaga-ng-gamot/

Pinuri ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte ang pagtanggal kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co bilang pinuno ng Hous...
23/01/2025

Pinuri ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte ang pagtanggal kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co bilang pinuno ng House Committee on Appropriations at sinabing ‘karma’ umano ang nangyaring ito sa kanya dahil sa mga tirada ng mambabatas laban kay Vice President Sara Duterte.

Inalis si Co bilang chairperson ng committee on appropriations noong Enero 13 matapos ang mosyon ni Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na ideklarang bakante na ang puwesto.

Link:
https://remate.ph/pagsibak-kay-zaldy-co-karma-sa-panggigipit-kay-vp-sara-duterte-supporters/

Pagkasibak ni Cong. Zaldy Co bilang puno ng appropriations committee, ikinatuwa ng netizens MAYNILA - Tila ipinagbunyi n...
17/01/2025

Pagkasibak ni Cong. Zaldy Co bilang puno ng appropriations committee, ikinatuwa ng netizens

MAYNILA - Tila ipinagbunyi ng mga netizens sa social media ang pagkatanggal ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co bilang Chairman ng House Committee on Appropriations.

Ito'y matapos ipinanukala ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos na gawing bakante ang pwesto ng appropriations committee chair, na inaprubahan din ni House Speaker Martin Romualdez.

Opisyal na tinanggalan si Co ng kanyang titulo bilang tagapangulo ng kumite sa muling pagbubukas ng mga sesyon Kongreso noong Lunes, January 13, 2025.

Nagbitiw din naman ng pahayag si Co noong Lunes at sinabing kusa niyang binakante ang kanyang posisyon para tutukan ang kalusugan, na tingin ng ilang mga netizen ay paraan lamang ng mambabatas upang isalba ang sarili sa kahihiyan matapos patalsikin sa pwesto.

“The highly demanding nature of my role has taken its toll, and I now need to prioritize seeking the medical attention necessary for my well-being,” saad ni Co.

Unang naging mainit sa paningin ng ilang mga personalidad si Co sa gitna ng taong 2024 dahil umano sa mga kuwestiyonableng pinaglalaanan ng pondo para sa 2025 budget.

“Drama lang Yan Nag resign Mag gamit nanaman sila ng iba para maka iwas sa batikos,” saad ng isang netizen sa Facebook.

“...bakit nagresign sa komite lng,kung tlgang kalusugan nya ang dahilan dpat sa pagka kongresman sya nagresign,nagresign nga ba o tinanggal,dpat nagresign o baba na din sa pagka speaker yang c tambaloslos,” dagdag pa ng isa.

Itinanggi naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may kinalaman ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatalsik kay Co sa pwesto.

Sa mga unang buwan ng 2024, nagkasagutan rin si Co at si Senator Joel Villanueva, kung saan ipinaalala ng Senador ang umano'y kwestyunableng track record ng Congressman dahil sa pagkaka dawit nito sa Pharmally scandal.

Link:
https://remate.ph/pagkasibak-ni-rep-zaldy-co-bilang-chairman-ng-house-appropriations-panel-ikinatuwa-ng-netizens/

10/01/2025

GARBAGE CRISIS SA LUZON, NAGSIMULA NA NGA BA?

Sa kanyang TikTok na “Models of Manila”, ibinulgar ng senatorial candidate at vlogger na si Marc Gamboa ang nag-uumpisang garbage crisis sa Luzon sanhi ng pagpupumilit ng Clark Development Corporation (CDC) na maipasara at mabawi ang Kalangitan Sanitary Landfill kahit labag ito sa batas.

Ayon sa kanya, ang CDC at ang operator ng Kalangitan na Metro Clark Waste Management Corporation (MCWM) ay kasalukuyang may legal dispute at kailangan pa muna itong resolbahin ng korte bago mapaalis nang tuluyan ang MCWM sa landfill.

Ang world class na Kalangitan Sanitary Landfill ay nagseserbisyo sa higit 100 local government units at sa maraming industriya sa iba’t ibang panig ng bansa.

Link/ source:
https://vt.tiktok.com/ZS6uUC3DY/

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PINAS MEDIA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share