
14/07/2025
AKALA KO...
Lilipat na ang operasyon ng ABS-CBN sa kanilang "soundstage" sa City of San Jose del Monte, Bulacan, oras na mabuwag na ang old headquarters, studios at tower ng higanteng media company.
Ang "soundstage" na nasa Bulacan ay kadalasang ginagamit sa produksyon ng ilang eksena sa pelikula o teleserye, na kadalasan ay ginagawa sa Hollywood sa kanilang bersyon ng soundstage, gaya ng sa Warner Bros., Universal Studios, at iba pa. Naging madalas ang paggamit ng naturang lugar nitong pandemic period sa mga serye gaya ng "Ang Sa'yo Ay Akin", "Darna", digital series gaya ng "Bagman", international projects gaya ng "Sellblock" at ilang programa gaya ng "Your Moment" at "Idol Philippines".
Walang kongkretong pahayag ang Kapamilya Network ukol sa naturang impormasyon na ipinapakalat na pilit ng ibang pages, YouTube channels at maging sa websites na madalas ang "misinformation".
'YUN PALA...
Lilipat ang operasyon ng ABS-CBN sa natirang 1.4 hectares ng kanilang ari-arian, samakatuwid, ay ang kinalalagyan ng ELJ Building kung saan nakahimpil ang opisina ng ilang department at studios gaya ng ginagamit ng ASAP.
Ito ay ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong Pebrero 27, 2025, noong unang pumutok ang naturang balita na pagbenta ng pamumuan ng malaking bahagi ng kanilang property sa Ayala Land.
Sa kasalukuyan po ay nakapatay na ang ilaw ng tinitingala noon na Millennium Tower mula noong hatinggabi ng Hulyo 9, at anumang oras ay uunahin na itong babaklasin at isusunod ang headquarters. Lahat ng serbisyo at operasyon ng ABS-CBN ay doon na malilipat sa nasabing natirang parte ng kanilang ari-arian.
Palagi po natin tandaan na maging MAPANURI at maging SIGURADO sa mga nakikita o nababasa sa social media at sa internet, parq hindi po tayo mabiktima ng MALING AKALA! πβ€οΈππ