Kuya Deeck

Kuya Deeck Wala lang�

Ikapitong utosManoy x Justin Taller solid 👊👊
16/09/2025

Ikapitong utos
Manoy x Justin Taller solid 👊👊


Nakaka-bulag nga ba ang Pera? Pera na lang ba ang lahat?Ito ang tanong na paulit-ulit na umuukit sa ating lipunan.Sa baw...
16/09/2025

Nakaka-bulag nga ba ang Pera?

Pera na lang ba ang lahat?
Ito ang tanong na paulit-ulit na umuukit sa ating lipunan.
Sa bawat sulok ng lungsod, sa bawat bulwagan ng kapangyarihan,
tila ang tunay na mata ng tao ay napapalitan ng makinang na papel.

Oo, pera ay daan tungo sa kaginhawaan.
Pambili ng pagkain, pang-aral, panggamot,
at minsan, pangarap na matagal nang nakaipit sa mga palad.
Walang masama, sapagkat ito’y kasangkapan lamang.

Ngunit bakit, sa liwanag na hatid nito,
ay may mga matang tuluyang nabubulag?
Mga matang hindi na nakakakita ng dangal,
hindi na nakakilala ng awa,
hindi na marunong lumingon sa kapwa.

Sa harap ng salapi, ang mabuti’t masama ay nagiging kulay abo.
Kaibigan nagiging traydor, pamilya nagiging kaaway,
at sa mga tiwaling kamay, bayan nagiging laruan.

Nakakabulag nga ba ang pera?
Oo, kung pipiliin nating isara ang ating mga mata.
Ngunit kung gagamitin natin ito bilang ilaw,
hindi ba’t maaari rin itong maging gabay?

Ang tunay na bulag ay hindi yaong walang paningin,
kundi yaong may mata ngunit ayaw tumingin
sa katotohanan na pera ay hindi Diyos,
kundi alipin lamang na dapat ay ating hawak,
hindi tayo ang inaalipin.

Ikaw? Minsan ba'y nabulag kana rin ba ng pera?
Anong paraan ang ginawa mo para labanan ito?
I-comment mo sa baba ang iyong sagot..



Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kuya Deeck posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kuya Deeck:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share