16/09/2025
PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NAGPAMAHAGI NG BINHI SA 206 MAGSASAKA SA BANISLIAN
Muling pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang suporta sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pamamahagi ng certified rice at GM corn seeds sa 206 magsasaka ng bayan noong Setyembre 16, 2025 sa Municipal Grandstand.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Food Production Program ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), kung saan umabot sa P719,900.00 ang kabuuang halaga ng ipinamahaging binhi. Layunin nitong mapagaan ang gastusin ng mga magsasaka at mapataas ang kanilang produksyon bilang bahagi ng pagtitiyak sa seguridad sa pagkain sa lalawigan.
Dumalo sa aktibidad si IPMR/Ex-Officio Board Member Arsenio Ampalid bilang kinatawan ni Gov. Taliño-Mendoza, kasama ang iba pang mga opisyal at panauhin.
Source: Provincial Government of Cotabato