30/08/2025
Mga Ka-gulong,
Simula ngayon, opisyal ko nang ipapasa ang pamamahala ng page na ito kay Ben Angus. Mananatili pa rin ang pangalang Riders Playground, ngunit mula sa gaming creator ay magiging Apparel & Clothing brand na tayo.
Lubos akong nagpapasalamat sa suporta, pag-follow, pag-like, at pag-share ninyo mula noon hanggang ngayon. Sana’y patuloy niyo pa rin itong samahan sa panibagong yugto — magsisimula ito sa Australia pero layunin nating maabot ang buong mundo!
Ang inyong patuloy na suporta — sa pag-follow, pag-like, at pag-share ng mga susunod na nilalaman — ay malaking tulong upang maging global brand ang Riders Playground.
Muli, maraming salamat at ingat lagi sa inyong grind — mapa-laro man o sa kalsada. 🫰🏿🏍
Ride safe,
Kay Dee