
21/08/2025
Libreng Tubig para sa lahat! 💦
Bilang agarang tugon po sa naranasang water interruption dulot ng nasirang tubo sa kahabaan ng Julian Felipe kagabi ay personal tayong nakipag-ugnayan at nakipagtulungan sa DL Pumper Barangay 12 upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kabarangay sa malinis na tubig.
Lubos po ang ating pasasalamat sa DL Pumper ng Barangay 12, sa pangunguna ni Kagawad Abby Del Mundo at sa bumubuo nito sa kanilang mabilis na aksyon at pakikiisa sa layuning maihatid ang libreng tubig sa mga apektadong residente. 🫰🏻💙