08/08/2025
PAGPUPUGAY | Oath Taking Ceremony ginanap sa Mina NHS
Mina, Iloilo—Isinagawa ang Oath Taking Ceremony ng mga bagong naihalal na mga opisyal ng iba't ibang kapisanan at organisasyon sa Mina National High School Gymnasium, Biyernes, Agosto 8.
Pinangunahan ang naturang seremonya nina Hon. Rey P. Grabato, Alkalde ng Mina, mga konsehal na sina Dr. Luda G. Ahumada, Hon. Ana Lourdes Espiritu, Hon. at Loise Robin D. Zuniega, Dr. Lea P. Huelgas Punong G**o IV ng Mina NHS, Dr. Johna P. Manaay, Pangalawang Punong G**o ll, Gng. Agumar C. Mana-ay, Ulo ng Departmento III, Bb. Eva T. Patanindagat, Ulo ng Departmento I, G. Emmanuel P. Panes, SPTA President ng MNHS, Gng. Globelle C. Quillain, Supreme Secondary Learners Government Adviser, Bb. Julia Grace Pastolero, SSLG President.
Nanumpa ang mga bagong inihalal na opisyal ng bawat samahan tulad ng Teachers and Employees Association (TEA), School Parent-Teachers Association (SPTA), School Governing Council (SGC),Supreme Secondary Learners Government (SSLG),SPSTE Federated PTA Officers, SPA Federated PTA Officers,
Kasabay din na nanumpa ang Grade 7 Federated PTA Officers, Grade 8 Federated PTA Officers, Garde 9 Federated PTA Officers, Grade 10 Federated PTA Officers,Grade 11 Federated PTA Officers, Grade 12 Federated PTA Officers, SPSTE Federated Learner Officers, SPA Federated Learner Officers, Garde 7 Federated Learner Officers, Grade 8 Federated Learner Officers, Grade 9 Federated Learner Officers, Grade 10 Federated Learner Officers, Grade 11 Federated Learner Officers, Grade 12 Federated Learner Officers.
Nanumpa din ang bawat Clubs tulad ng MAPEH Club Officers, Araling Panlipunan Club Officer, Values Club Officers, T.LE. Club Officers, English Club Officers, Math Club Officers, Filipino Club Officers, Science Club Officers, Gender and Development (GAD) Club Officers, Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) Officers, Barkada Kontra Droga (BKD), Club Officers, Student Welfare Action Team (SWAT), Club Officers Senior Scout Officers,Sports Club Officers, ICT Club Officers, Lupon ng Ang Montogawe, The Riverside Echoes at ARAL English Officers.
Dinaluhan ng humigit-kumulang 400 na mga g**o, magulang at mag-aaral mula sa ikapito hanggang ikalabing dalawang baitang.
Layunin ng nasabing programa na kilalanin ang mga bagong opisyal na inilahal na siyang manunungkulan para sa taong panuruan 2025-2026.
(SDMPC / DJBR / QMPS / Ang MONTOGAWE)