01/11/2025
๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | MINUMULTO
Pumikit ako't lumuha.
Sa may bakanteng silid, may silya roon. Sa tuwing uwian, may hikbi akong naririnig.
Hindi ko batid, ngunit takot ako sa mga kababalaghang nagaganap sa tuwing kakagat ang dilim sa malawak naming paaralan. Maingay sa pag-uunahan ang mga mag-aaral, masigla ang kapaligiran, ang kanilang maingay na mga yapak ay nagpapahiwatig ng saya, na sa wakas ay isa na namang mapanghamong araw ang magwawakas.
Sa isang iglap, shhh...
Tila hanging bumubulong ang tanging tinig na maririnig sa isang lugar na tila agad binawian ng buhay. Hindi na bago ang ganitong kaganapan, ngunit iilan lamang ang may lakas ng loob na manatili. At ako, isa lamang batang natatakot sa sariling multo.
Sa halip na makipag-unahan sa paglisan, pilit kong iniiwasan ang silya sa kabilang silid. Subalit tila ako'y pinipilit nitong harapin. Ang pintig ng aking puso, naging mas mabilis pa kaysa sa bawat yapak ng mga mag-aaral.
Parang linilisan ng aking kaluluwa ang patpatin kong katawan sa biglang pagbalagbag ng mga pinto ng kantina at opisina.
Sa ika-apat na palapag, ang mga bumbilya ay isa-isang kumukutitap. Ang kanilang liwanag ay tila malamlam na yakap. Ngunit kasabay nito'y ang ngitngit ng aking ngipin, binubuo ng takot at panghihinayang, na sumisibol sa katahimikan.
Huminto ako sa harap ng silid. Doon, ang silya. Tahimik. Walang laman. Ngunit ramdam kong puno ito ng mga tanong na matagal ko nang iniiwasan.
Dahan-dahan akong pumasok. Ang bawat yapak ay mabigat, ngunit mas mabigat ang alaala ng mga pagkakataong hindi ko hinarapโang mga luhang hindi ko pinahid, ang mga salitang hindi ko nasabi, ang mga hakbang na hindi ko tinahak.
Umupo ako. At sa aking pag-upo, nawala ang hikbi. Nawala ang bulong. Nawala ang multo.
Doon ko napagtanto: ang silya ay ako, at ang silid ay ang aking mga pagsisisi. Ang mga multong bumabagabag ay hindi espiritu, kundi mga pagkakataong pinabayaang lumisan.
Ngunit sa pagharap, natutunan kong wala nang multong mananahan sa puso kong handa nang tanggapin ang lahatโsapagkat ang tunay na kababalaghan ay ang mabuhay nang walang panghihinayang.
ni Balidasig
๐ Facebook: KSU - The Earthline
๐ธ Instagram:
โ๏ธ Email: [email protected]