
17/07/2025
SEASON LANG YAN. 🙂
Kapag naging nanay ka na lahat talaga magbabago! Darating at darating yung time na mawawalan ka ng self-confidence.
Hindi ka na makapag ayos, tumaas na yung timbang, nagbago na yung size ng dibdib, hindi na glowing ang skin, hindi na healthy ang hair, halos wala ng skincare, halos wala ng ligo! 😭
Pero lagi mong tatandaan, lahat ng yan ay season lang. 🙂
Darating din yung panahon na lumalaki na sila, makakapag ayos ka na, makaka alis ka na mag-isa, makaka kain ka na ng hindi nagmamadali, makakapag skin care kana, at lahat ng hindi mo magawa ay magagawa mo ulit. 🥰
Hindi ka nag iisa! ❤️