
02/02/2025
Bakit Mahalaga ang Bagong Kinatawan sa Kongreso?
Ang pagkakaroon ng bagong pinuno o kinatawan sa Kongreso ay mahalaga upang magkaroon ng sariwang ideya, bagong pananaw, at mas epektibong solusyon sa mga lumang problema ng ating lungsod.
Narito ang ilang mahahalagang dahilan kung bakit kailangang bago at may malinaw na layunin ang ating ihahalal:
1. Bagong Enerhiya at Dedikasyon
➡️ Ang isang bagong kinatawan ay may sigasig at determinasyong ipaglaban ang tunay na pagbabago, hindi lang pananatili sa kinamulatan.
2. Mas Malinis at Walang Dinastiya sa Pulitika
➡️ Ang paulit-ulit na pagpili sa parehong pamilya o grupo sa politika ay nagiging hadlang sa mas malawak na representasyon at mas epektibong pamamahala. Ang bagong lider ay nagsisiguro ng patas at mas demokratikong pamamahala.
3. Tunay na Pagtugon sa mga Problema ng Bayan
➡️ Ang isang bagong kinatawan ay may mas bukas na pananaw sa kung ano ang kailangang baguhin at paano ito masosolusyunan—mula sa edukasyon, kalusugan, pabahay, at imprastraktura.
4. Mas Mataas na Pondo at Wastong Alokasyon
➡️ Sa Kongreso, kailangang may isang lider na tunay na maglalaban para sa mas malaking pondo para sa ating lungsod, lalo na sa mahahalagang sektor tulad ng kalusugan (OsMun), edukasyon, at serbisyong panlipunan.
5. Wala nang Bahid ng Katiwalian
➡️ Mahalaga ang bagong kinatawan na may malinis na track record upang siguruhing walang masasayang na pondo at lahat ng programa ay para sa mamamayan, hindi sa bulsa ng iilan.
Tandaan na, Ang pagbabago ay nagsisimula
sa pagboto ng tama!
Silverio Garing
Cong. Atty. Biyong Garing