23/07/2025
ORATIO IMPERATA: PANALANGIN PARA IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDAD
Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.
Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa lyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na.
Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, paglindol, at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.
Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari-arian at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng lyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus. Amen.
MAHAL NA BIRHEN NG CANNETO
Ipanalangin mo kami!