
11/04/2023
Hindi ikatutuwa ni James Reid at ng kanyang fans ang mga comment sa photos nila ni Issa Pressman habang nagbabakasyon sa Palawan. Sa halip kasi na ma-focus ang comments sa dalawa, sa katawan ni James tumutok ang netizens.
May nagsabing obvious na tamad mag-workout si James dahil wala man lang daw muscle tone ang katawan at sa edad niya, mukha pa rin siyang totoy. Sinundan ito ng comment na pabaya kasi si James, minsan naman daw gumanda ang katawan nito at hot at hunk pa nga ang tawag sa kanya.
May nagpaalala pang yummy si James noong OTWOL days nila ni Nadine Lustre kaso, nagpabaya nga kaya naunahan pa raw ng mas mga bata sa kanya na ang gaganda ng katawan. Hindi nito inalagaan ang katawan, kaya ayan.