
09/07/2025
“Minsan, hindi mo na kailangan ng closure. Kailangan mo lang tanggapin na hindi ka niya pinili. Kasi kung gusto ka niya talaga, hindi mo mararamdaman na naghahabol ka.
Ang effort, hindi lang para sa may oras. Para 'yan sa taong may tunay na pakialam. Kasi kahit pagod na siya, magpaparamdam pa rin 'yan kung mahalaga ka.
Kapag importante ka sa isang tao, hindi lang siya lalapit kapag may kailangan. Hindi niya ipaparamdam na pangalawa ka lang. At hindi ka niya isasantabi para sa ibang priorities.
Maraming gusto ng presence mo pero ayaw panindigan ang commitment. Kapag sila ang may kailangan, andyan sila. Pero kapag ikaw na ang nangangailangan, bigla silang nawawala.
Kaya bago ka magpakatanga sa taong laging "busy," isipin mo muna kung worth it ba talaga. Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka kayang ipaglaban. Sa huli, dapat sarili mo pa rin ang pinipili mo.” — Vice Ganda