
06/06/2025
BAKIT ANG FEELING KO PARA KO NA DING TATRAYDURIN ANG FIRST BORN KO🙃
hello co-pinay freelancers who turned mommas🤗 its been a while. 1year and + few days ng pagiging mommy.
Focus muna sa mommy life.
Lately, napapaisip ako kung magbubuntis pa ba ulit or hindi na. First time mom here and things are overwhelming. Kakaisang taon lang ng baby ko, and hindi na din ako pabata. Gusto ko sya bigyan ng kapatid, ayoko sya mag-isa lang pero natotorn ako if mag2nd baby or wag na. Nakakaramdam ako ng guilt dahil for sure yung oras ko sa kanya ngayon, mahahati na.
Pag nagkababy ka pala, yung excitement mo to have kids napapasukan ng ganitong pakiramdam na gusto mo sya focusan hanggang sa paglaki nya. Isang bagay na hindi ko inexpect na mararamdaman ko as 1st time mom. Kasi dati pa nga gusto ko hinfi dapat malayo ang agwat para isang hirapan na lang pero hindi pala biro yung isa. Kaya hanga na ko sa nagkakatwins, triplets and so on....
Kaka1 year old pa lang ng baby ko pero ito na pinoproblema ko 🙃
KAYO BA? ANONG SAY NYO?🙃🫠🫠🫠🫠