Sir Captain Hook Channel

  • Home
  • Sir Captain Hook Channel

Sir Captain Hook Channel This page aims to share strategies and techniques that can be used inside the classrooms.

02/04/2024
01/04/2024

Di ka ba makarelate sa April Fool's Day? Okay lang yun! March pa lang kasi niloloko kana.

Boom!

25/03/2024

My new banner thumbnail for my future mini vlogs in Tiktok and FB page.

An  open letter to all students out there.Sa ilang taon ng pamamalagi niyo sa loob ng paaralan, I am sure,may mga g**o k...
20/03/2024

An open letter to all students out there.

Sa ilang taon ng pamamalagi niyo sa loob ng paaralan, I am sure,may mga g**o kayong nakapalagayan at nakasamaan niyo ng loob sa iba't ibang kadahilanan. Some of them, naging paborito mo pa dahil sa kakaiba nilang istilo ng pagtuturo, maunawain ,matulungin at mapagbigay. Habang ang ilan naman sa kanila ay hindi mo gusto dahil "terror" o mataray, at iba ang kanilang pamamaraan ng disiplina. Mayroon din naman na kombinasyon ang gamit , may bait pero may higpit. In short, ibat- iba!

Marahil sa dami ng mga karanasan ninyo bilang mga mag-aaral na kapiling ang mga g**o niyo, masasabing, iba-iba sila. Tulad din ito ng pagkakaibang indibiwal ng mga mag-aaral o mas tinatawag na "diversity of learners".Dahil dito, kayo ay:
patuloy na inuunawa,
kinakalinga,
at ginagabayan.

Di natin maaalis ang katotohanang, hanggat kayo ay nasa paaralan at kung minsan pa nga ay hanggang sa labas pa, mga g**o ang inyong mga magulang.
That's how noble this profession is.

IPINAGTATANGOL.
Ito ang nais ko bigyan ng pukol sa bukas na liham na ito.
Sa ilang beses na kayo ay nasangkot sa kaguluhan ,away, sabunutan,sapakan at minsan pa nga ay saksakan, naroon ang mga g**o.

Sino ba ang tagapamagitan sa ganitong mga pagkatataon?

Sino ba ang tatawag at uubos ng personal na load upang tawagan ang inyong mga magulang upang masigurado ang iyong kaligtasan?

Sino ba ang pilit na nag iisip ng paraan para maayos ang gusot na kinasangkutan ninyo?

Sino ba ang humaharap sa mga panig kapag may mga pagkakataong umabot na ito sa legal?

Sino ba ang nag-aabalang makinig sa mga reklamo mo sa buhay at payuhan ka upang maitama mo ang mali mo?

Sino ba ang magtatanggol sa iyo sa oras na ikaw ay inagrabyado ng kapwa mo mag-aaral?

hindi ba't ang iyong mga G**O?

Sa pagkakataong kailangan mo ang iyong g**o. Nariyan sila to support you. That's how teachers care. Ipinagtatanggol din nila ang mga mag -aaral nila tulad ng isang magulang na nagtatanggol sa kanilang mga anak.

And for those times na ang mga g**o naman ninyo ang hinuhusgahan na ng mundo.
Ano ang gagawin ninyo?
Kaya niyo din ba silang ipagtanggol tulad ng pagtatanggol na buong araw nya na halos ginagawa dahil siya nga, ay isang G**O.

Ipagtanggol niyo naman ang inyong mga G**O.
..sa mga pagkakataong hinuhusgahan na siya ng mga magulang na biglang nagpapakamagulang.
Kung tutuusin ay kayo dapat ang mga naging unang g**o nila sa bahay , na sana , ay nagturo ng tamang asal kaya ang mga g**o ang hirap na hirap bigyan ito ng SUSOG at DIIN.

Ipagtanggol niyo naman ang inyong mga G**O...sa mga pagkakataong nagkamali siya sa kanyang mga pamamaraan dahil sa pagiging mahina nila bilang tao.
Dahil hindi naman excluded ang pagiging g**o sa di pagkakaroon ng emotional outburst. Science is science.

Ipagtanggol niyo naman ang inyong mga G**O....sa mga pagkakataong wala silang sandata para ibangon ang mga sarili nila.
Kayo naman ang maging sandata nila ,bilang pasasalamat sa mga bagay na libre niyo naman na natutunan sa kanila. ( wag literal, I am speaking about the hidden curriculum and life skills, at values na makukuha sa karanasan sa pagitan ng samahan ng mga g**o at mga mag-aaral)

Walang g**o ang ninais na mapahamak ang kanilang mga mag-aaral. Bagaman ay may iba nga sa aming kabaro ang naliligaw ng landas at kinain ng kanilang kahinaan. (Isolated Cases )Hindi nito kinakatawan ang buong departamento, tulad din ng mga paglabag na nagagawa ng ibang propesyon.

Hindi kinokondena ang maling gawain maging g**o ka o ano man. Marapat ding itama ang mga maling salita na binitawan lalo sa maling pamamaraan. Batid natin ito.
Ngunit may pagkakamali pa na maari pang itama at hindi dapat na mahusgahan. Tulad ng unlimited consideration na binibigay ng inyong mga g**o,sana ay ganun din tayo.

Tama na ang panghuhusga, bagay na aliw na aliw tayong gawin sa mundo ng social media.

At sa mga magulang na may mag-aaral. Ang mga g**o ay di ninyo kaaway. Kaagapay niyo sila sa paghubog ng inyong mga anak.

Sana hindi dumating ang panahon na wala ng gusto maging g**o dahil wala ng GULUGOD ang pagtuturo ng disiplina sa uri ng kabataang Pilipino merun tayo ngayon.

Isang panawagan.
Mga mag-aaral- IPAGTANGGOL NIYO NAMAN ANG INYONG MGA G**O.
-end

A breath of fresh air in a perfect island is all you need.
14/03/2024

A breath of fresh air in a perfect island is all you need.

Address

Laguna

4302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sir Captain Hook Channel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share