19/10/2023
Samsung user ka ba???
In case di mo pa check phone mo, check mo na settings ng phone mo baka makatulong...
October 14, 2022 - nanakaw yung phone ko sa may Tiendesitas pababa ng bus. Grabe yung stress na binigay nito samin kasi hindi lang basta kinuha yung phone nag attempt din mag change ng mga pw namin sa mga accts and worse inubos nya laman ng gcash namin na gamit namin sa negosyo, nagloan pa sa gcash at nagorder pa sa shoppee. In addition, ginagamit pa yung number tuwing madaling araw kaya sobrang worried kami kasi baka may iba tao din sya ma scam at magamit pangalan namin.
Unfortunately, kahit nireport namin agad inabot ng more than a week bago na deactivate yung gcash kaya nag push through yung loan at yung order nya sa shoppee plus inubos na nya laman pero dahil that time naka encrypt na yung ibang letters ng name hindi na namin maidentify yung complete name nya.
To cut the story short, hindi na namin naasikaso kasi weeks after na miscarriage yung partner ko so nag move on na kami...
2 days ago, nagprompt na naman sa email ko na may nag attempt to change yung fb pw ko. then earlier today nakareceive nanaman ako notif but this time nagattempt naman to change yung device name which kailangan nya yung pw ko para mabago yung samsung acct.
We tried to check the phone through samsung findmymobile and we were surprised na malapit lang sya sa area namin. So to stop yung mga attempts to use our acct and possibility na maretrieve yung phone at yung nakuha samin nag decide kami ireport ulit sa police kung san kami nagreport before para magtanong din paano ba dapat gawin for our safety din. inadvise kami pumunta sa location and to coordinate sa barangay muna to confirm na nadun talaga yung device.
Boom! Pagpunta sa location naconfirm na nandun yung tao na nagchange ng device name at yung phone kaya yung barangay na yung kumausap sakanila at nagharap na lang kami sa station. Nabalik ang phone namin na nawala though di na nahabol yung amount na nakuha samin since binenta lang daw sakanila ang phone at hindi nila kilala yung nagbenta (giving the benefit of the doubt) but atleast may nabalik kahit papano.
Who would have thought after a year mababalik pa samin to. Thank you, Papa G and sa samsung findmymobile. 😁
Pinahiram lang talaga namin sakanila yung phone ng isang taon. 🤣🤣