Dummy Radio ヅ

  • Home
  • Dummy Radio ヅ

Dummy Radio ヅ Dummy University's official radio page

12/12/2024

C #1045:

To: DJ Elina

Kamusta ang buhay? Kakapanibago kapag di ka nagiingay naa.

From: Sangka-dummy-han

09/12/2024

C #1044:

To: L

I hope you're happy now that I'm gone.

Pero bakit naman finafollow mo ang mga related sakin e ikaw ang pumutol ng communication lines? Hindi ko alam kung anong pinaparating mo kasi when I was there, hindi mo ako inaalagaan tapos may ganito ngayon? I do not regret running away from you.

You were a red flag through and through. Ang tanda mo na pero wala kang self awareness sa pinanggagawa mo.

From: Pearl

09/12/2024

C #1043:

To: All

So broke an engagement last year, day nalang ng wedding hinihintay hahahah nalaman ko na May girl na nabuntis si ex. Now my ex's mom texted me and my mom asking if nasaakin pa ba yung binibigay na ring, if pwede daw nila kunin, like ano yung ibibigay ba nila sa baby mommy nya?

Yes, nasaakin pa yung ring not that I still have thingy to my ex like duh 🙄 hahaha. I just like to keep it and it's pretty kasi isa pa birthstone ko yung stone. Di ba pwede akin na yun? Dami naming gastos sa preparation ng wedding and di na kami naghabol nung di na tuloy.

PS. If mabasa to ng mga friends ko here alam ko makikilala nila ako. Hahahaha.

From: H

03/12/2024

C #1042:

To: Just someone

Idk if you want to hear this, but I'm updating you, guys.

Back in PH, maganda work ko, college graduate, and pagdating dito abroad, maganda din naman naging work ko since office work, pero naloko nga and nagkaproblema sa visa. I'm not bragging ha. Just giving background details.

Now, I decided to go outside of my comfort zone. Sabi ko, sige. Any work, as long as legal, and that will help me with securing a visa so I won't need to borrow money from anyone else anymore, and He provided what I needed the most, even if it's something I wasn't really keen on looking for.

I tried lang magpasa ng CV to be a nanny to a 4 yr old. Expected ko na na baka mahirap ang work, wala akong experience sa bata, maikli pasensya ko, but after a week of trial, okay pala. I'm very comfortable. Pag nasa school ang bata, nasa work ang parents, solo ko ang bahay and just lounging around. May bedtime na 7pm ang bata, so after he slept, I'm done with my work. Stay in job. Mababait sila. I wasn't expecting this job, and I absolutely wasn't expecting I'll take on this kind of job (not judging, just wasn't what I expected of myself), but I like it. I am happy.

My family still doesn't know na this is my work, but I'm happy right now. Good salary, free accomodation and food. Everything else is provided. I finally am able to breathe.

Thank you. I'm crying, still crying as I'm typing this, but now, I'm crying because the burden has been lifted upon my shoulders.

I hope all the good things come to the way of people reading this, just like how it came to me.

Unexpected but a blessing indeed.

From: Lost soul

23/11/2024

C #1041

To: Just someone

I badly needed a hug. Or badly need ba? Sa ngayon, grammar is the last think I can think of. As I'm typing this, I'm crying and I feel like I'm losing the battle I thought I'm fighting evenly.

I'm not going to name yung places kung saan ako, just that malayo ako sa nanay ko. I'm in my late 20s having, idk, identity crisis? Not quite to be honest.

I don't need an advice ha. Not that I'm stubborn and won't listen, but going back is never an option for me. Please know that before judging.

Nascam ako ng company na nagsend sakin dito abroad. Right now, two months na akong tnt. I've exhausted all my friends na pwedeng utangan at singilin, but no one replied back except for a few who says they don't have enough to lend me. Understandable. That's okay. Pera nila yon, and nangungutang lang ako. I've also exhausted my relatives na pwedeng utangan, the same thing happened. Last resort, nangutang ako sa kuya ko and ang natikman ko lang ay masasakit na salita na hindi ko kayang lunukin.

For two months, hindi ako makabayad ng renta, kasi hindi ako nakasahod sa company, tapos paso ang visa ko kaya hindi makalapit sa pulis or embassy, kasi matic deportation and I don't want that to happen. Mapride na kung mapride, eto na lang kasi natitira sakin.

Five days na, nung mapaalis ako ng tinutuluyan ko, wala akong ibang dala kasi hindi ako makabalik doon na hindi makakabayad. Nasa locker ko sa tinutuluyan ko ang passport and other documents ko. Walang nagbubukas ng pinto kahit anong doorbell ko. Kala ko ba mababait mga Filipino? Sila pa nangddown sayo. Hahaha.

Sa loob ng limang araw na yon, dalawang araw akong parang pulubi, pauli uli ng mga bus stations, hindi ako nanglilimos. Hindi ako nanghihingi. Nagpapalipas lang ng mga gabi at araw sa ligtas na lugar. Sa may cctv, sa may bubong. Sa may maliwanag. Pangatlong araw, sobrang gutom na ako kasi naibilinko na ng pangload sa bus card ko ang natitira kong pera. Naisipan kong magpost sa group community kung sino ang pwedeng magpatuloy sa akin. May mga nagcomment. Mabubuti pa din ang mga pinoy.

Pinatuloy ako ng isang mabait na babae. Let's call her ate G, pero pagpunta ko soon, siyang lang babae at isang maliit na kwarto na May kasamang anim pangnlalaki. Umalis din ako kinabukasan at nagpasalamat ng marami. Malaking tulong pa din iyon, hindi ako namimili or nagiging ingrata, hindi ko lang gusto ang nararamdaman ko sa ibang kasama n'ya.

Bumalik ako sa bus station, at napiling magreach out sa ilan pang nagcomment sa ppst ko, and kagabi, sa bus station pa din ako nagpalipas ng gabi. Ngayong tanghali, sinundo ako ni ate K. Niyakap n'ya ako ng mahigpit at umiyak s'ya kasabay ng iyak ko kasi naiintindihan daw n'ya ako, at mapagdaanan n'ya na ang pinagdadaanan ko ngayon. Pinakain n'ya ako, at pinaligo sa banyo. Ninigyan ng maayos na mahihigaan at sinabing magstay kahit hanggang katapusan.

Sa 30, may inaasahan akong pera. Hindi sa kung saan, kung hindi inutang ko sa dati kong kaklase na hindi ko inakalang papautangin ako after all these years.

I'm beyond grateful sa mga tumutulong sakin unexpectedly and are asking for nothing in return. But as I am grateful towards them, my heart also feel immense sadness to the people who knows me, my relatives who have blood relations with me as they were the ones who turned their back on me when I needed them the most.

Sobrang pagod na ako. Hahaha. Naiisip ko, if I die here, I wouldn't face these problems anymore, pero naiisip ko yung nanay ko na malulungkot ng sobra kasi imagine, namatay anak n'ya sa ibang lugar tapos mag- isa. Maguguilty s'ya at habang buhay nyang dadalhin yon.

I don't want her to feel guilty just because her daughter did a lot of mistakes and wrong decisions in life.

You can bash me and point out my arrogance and pride, but don't give me advice. I'm not asking for one. Maybe I just wanted an outlet sa nararamdaman ko. Thanks for reading until here.

Fr: Lost Soul

18/09/2024

C #1040:

To: Crine

Buhay pa ba yang Andrea Stella na yan? Sya pala si Aro.

No wonder, sama ng lasa ko jan sa ggong yan. May pag gm gm pa yan dati na inooperahan sya. Sakay naman kami sa kasinungalingan ng puñeta na yan. Bat di pa naging totoo no.

Ps. Pakibayadan yung hingi mong donation na 5h. Sa taas ng inflation ngayon, around 3k na yan ngayong taon.

Fr: Bbgun

18/09/2024

C #1039

To: Willow Viktoria

Kamusta yung may utang sayo na 7k? Tanda mo pa? 🤣

Fr: 123

29/08/2024

C #1038:

To: .

See how I'm not looking for chismis? Very demure. Very mindful.

Fr: Not CK

26/08/2024

C #1037:

To: DW

Isang malakas na shout out din kay Crine!!! Beh. Gisingin mo ang malagihay kong pagkatao gamit ang iyong mabulaklak na chismis. If meron. Pag wala, sige na. Pakabusy ka na lang ulit sa work.

Fr: Frankenstein

26/08/2024

C #1036:

To: DW

Anet? Wala na ba? Kamusta na sina Benedetta and the doctor lawyer frenny n'ya? Si Curious lang? Si Tweety? Si Sugar? Paupdate naman, nanghihina na ako kakatrabaho. Kailangan ko ng vitamin c. Vitamin chismisss.

Fr: Frankenstein

25/08/2024

C #1035:

To: DW

Mga accla, kumusta na kayo? Nakakamiss maging hubadera ulit. HAHHAHAHHAA. AKO TO. SI KAIROS NA MADAMING BASHERS. 🤪

Fr: Kairos

25/08/2024

C #1034:

To: DW

Ako lang ba yung bihira na lang magopen ng account kasi, well, hindi naman busy RL, kaso nawalan lang ng time dito? Wala naman akong gaanong friends RL at hindi naman ako actively socializing with others, pero parang hindi makapaglaan ng time dito?

Siguro dahil narealize ko na, yung dati kong mga friends dito, halos wala na. Busy na sila RL and hindi ko naman sila naging friends talaga outside of here sa DW. Nakakalungkot lang kasi, I want to be friends with them outside kaso I'm scared and shy na madisclose identity ko dati. Hindi ko din alam kung bakit? Weird. Hahaha. Parang ano lang ba, I want to make a wall between RL and DW, pero siguro ayaw din nila ako outside here kasi hindi naman sila nagreachout about that? Charot, overthinker langs.

Wala lang, I know the old dummy world would not be revived or come back anytime soon, nagrereminisce lang ako, kasi nagbr ako ng mga messages ko sa messenger from my account, tapos ang dami ko ding nakahalubilo before. It's just sad na halos wala ng active sa kanila here.

Anyway, sana lahat kayo nasa maayos na kalagayan outside here. I pray that all of you are now successful in your own crafts. I pray na even if you're not yet there, you're almost there.

Missing all my encounters here.

Fr: Random

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dummy Radio ヅ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share