23/11/2024
C #1041
To: Just someone
I badly needed a hug. Or badly need ba? Sa ngayon, grammar is the last think I can think of. As I'm typing this, I'm crying and I feel like I'm losing the battle I thought I'm fighting evenly.
I'm not going to name yung places kung saan ako, just that malayo ako sa nanay ko. I'm in my late 20s having, idk, identity crisis? Not quite to be honest.
I don't need an advice ha. Not that I'm stubborn and won't listen, but going back is never an option for me. Please know that before judging.
Nascam ako ng company na nagsend sakin dito abroad. Right now, two months na akong tnt. I've exhausted all my friends na pwedeng utangan at singilin, but no one replied back except for a few who says they don't have enough to lend me. Understandable. That's okay. Pera nila yon, and nangungutang lang ako. I've also exhausted my relatives na pwedeng utangan, the same thing happened. Last resort, nangutang ako sa kuya ko and ang natikman ko lang ay masasakit na salita na hindi ko kayang lunukin.
For two months, hindi ako makabayad ng renta, kasi hindi ako nakasahod sa company, tapos paso ang visa ko kaya hindi makalapit sa pulis or embassy, kasi matic deportation and I don't want that to happen. Mapride na kung mapride, eto na lang kasi natitira sakin.
Five days na, nung mapaalis ako ng tinutuluyan ko, wala akong ibang dala kasi hindi ako makabalik doon na hindi makakabayad. Nasa locker ko sa tinutuluyan ko ang passport and other documents ko. Walang nagbubukas ng pinto kahit anong doorbell ko. Kala ko ba mababait mga Filipino? Sila pa nangddown sayo. Hahaha.
Sa loob ng limang araw na yon, dalawang araw akong parang pulubi, pauli uli ng mga bus stations, hindi ako nanglilimos. Hindi ako nanghihingi. Nagpapalipas lang ng mga gabi at araw sa ligtas na lugar. Sa may cctv, sa may bubong. Sa may maliwanag. Pangatlong araw, sobrang gutom na ako kasi naibilinko na ng pangload sa bus card ko ang natitira kong pera. Naisipan kong magpost sa group community kung sino ang pwedeng magpatuloy sa akin. May mga nagcomment. Mabubuti pa din ang mga pinoy.
Pinatuloy ako ng isang mabait na babae. Let's call her ate G, pero pagpunta ko soon, siyang lang babae at isang maliit na kwarto na May kasamang anim pangnlalaki. Umalis din ako kinabukasan at nagpasalamat ng marami. Malaking tulong pa din iyon, hindi ako namimili or nagiging ingrata, hindi ko lang gusto ang nararamdaman ko sa ibang kasama n'ya.
Bumalik ako sa bus station, at napiling magreach out sa ilan pang nagcomment sa ppst ko, and kagabi, sa bus station pa din ako nagpalipas ng gabi. Ngayong tanghali, sinundo ako ni ate K. Niyakap n'ya ako ng mahigpit at umiyak s'ya kasabay ng iyak ko kasi naiintindihan daw n'ya ako, at mapagdaanan n'ya na ang pinagdadaanan ko ngayon. Pinakain n'ya ako, at pinaligo sa banyo. Ninigyan ng maayos na mahihigaan at sinabing magstay kahit hanggang katapusan.
Sa 30, may inaasahan akong pera. Hindi sa kung saan, kung hindi inutang ko sa dati kong kaklase na hindi ko inakalang papautangin ako after all these years.
I'm beyond grateful sa mga tumutulong sakin unexpectedly and are asking for nothing in return. But as I am grateful towards them, my heart also feel immense sadness to the people who knows me, my relatives who have blood relations with me as they were the ones who turned their back on me when I needed them the most.
Sobrang pagod na ako. Hahaha. Naiisip ko, if I die here, I wouldn't face these problems anymore, pero naiisip ko yung nanay ko na malulungkot ng sobra kasi imagine, namatay anak n'ya sa ibang lugar tapos mag- isa. Maguguilty s'ya at habang buhay nyang dadalhin yon.
I don't want her to feel guilty just because her daughter did a lot of mistakes and wrong decisions in life.
You can bash me and point out my arrogance and pride, but don't give me advice. I'm not asking for one. Maybe I just wanted an outlet sa nararamdaman ko. Thanks for reading until here.
Fr: Lost Soul