
12/07/2025
SKL..
First time ko manood ng Tiffany Show dito sa Pattaya, and to be honest, hesitant pa ako at first. Akala ko kasi sayang lang pera baka puro kalandian lang or super liberated. Pero hala! Mali pala ako! Ang ganda ng show, grabe!
Sobrang entertaining ng mga beks, mga LGBTQ+ performers, ang gagaling nila! From props to costumes, hanggang sa mismong performance, panalo lahat! Parang Miss Universe meets Broadway meets Drag Race level! May mga moment na gusto ko na rin tumayo at maki-sayaw pero syempre, nahiya ako. 😂 Konting sayaw at palakpak ko nga lang sa inuupuan ko, tinitingnan na ako ng asawa ko ng di ko mawari kung okay lang sa kaniya or dapat huminto na ako (mahirap talaga pag may kasama kang nonchalant 😅😂). Pwede nga mga bata manood pero ayaw ng asawa ko isama mga anak namin kasi di pa daw nila maiintindihan ng mabuti yung world ng ibang lahi, ay! ibang gender pala! 🫣
Bawal nga lang mag-picture or video habang ongoing yung show, kaya wala akong ma-share sa inyo. Pero after ng show, lalabas sila at pwede ka magpa-picture with them for 100 baht. Sulit na ‘yon, mga Madam! San ka pa?
Yung upuan namin, mezzanine seat lang, 1,200 baht each. Pero okay na rin kasi hindi naman kalakihan yung theater. Kita pa rin ang stage kahit di VIP or Diamond seat. Buti na lang din, kasi ayaw ng asawa ko sa harap baka daw siya hilahin paakyat ng stage! 😂 May ganon sila minsan sa mga audience. 😂
Overall, super worth it! Hindi ko in-expect na mag-eenjoy ako ng ganito. Sa uulitin, Tiffany Show! 💃✨