04/04/2025
Mula $1 hanggang sa mas malaki pang pangarap — ito ang freelance journey ko. 💻
Noon nagsisimula pa lang ako sa freelancing, outsourced VA lang ako. Kumikita ako ng $1 to $2 per hour, at sa totoo lang, minsan napapatanong ako sa sarili ko: “Para saan pa ‘to?😔
Oo, dollars nga.. pero halos wala rin, lalo na kung konti lang ang hours. 😅
Pero imbes na sumuko, pinili kong matuto. Pinili kong lumaban. Kahit mahirap, kahit nakakakaba, nilakasan ko ang loob ko — at dahan-dahan, nagsimula akong maniwala na kaya ko.
Nag-research ako, nag-practice, nag-invest ng oras sa pag-improve ng skills ko. Hanggang sa natuto akong maghanap ng sariling client, gumawa ng proposal, at magpakita ng confidence kahit nanginginig ako sa una. 😁
Ngayon, hindi pa man ako "NASA TUKTOK," walang 6 digits salary pero malayo na ako sa simula. At higit sa lahat, mas buo na ang tiwala ko sa sarili ko.
Oo, minsan nawawalan pa rin ng clients.
Oo, may mga araw na parang bumabalik sa simula.
Pero alam mo, kahit ganun. Malayo pa, pero MALAYO NA DIN PALA.
Kung ikaw ay nagsisimula pa lang — tandaan mo:
Lahat ng malayo, nagsimula sa maliit. Lahat ng matatag, dumaan sa takot.
Kahit mabagal, basta gumagalaw.
Kahit natatakot, basta sumusubok.
-Kung kaya ko, kaya mo rin.