13/09/2023
Sa development ng ran mobile may mga hakbang kami na ginawa para maisetup ng ayos ang mga test hinati namin ang mga type ng test para maging maayos pag lumabas ang official na laro sinimulan sa Alpha Test sinundan Early Access pag tapos ay Beta Test. Narito ang pagkakasunod-sunod:
Alpha Test:
Sa simula, isinasagawa ang Alpha Test sa loob ng development team. Nag hire kami ng mga tao na maaring tumulong samin sa pamamagitan ng mga nakaraan event na ginawa ng aming team. Ito ay para sa internal testing upang suriin ang ran mobile para sa mga bugs at problema sa performance. Sa yugtong ito, ang ran mobile ay hindi pa inilalabas sa publiko o sa mga external users mga piling tester lang na pumasa sa interview ang nabigyan ng chance.
Early Access:
Pagkatapos ng Alpha Test, ilalabas na ang Early Access stage September 24, 2023. Sa yugtong ito, ang ran mobile ay inilalabas para sa limitadong bilang ng mga early adopters o mga interesadong gumamit. Ito ay isang pagkakataon para sa mga developer na makakuha ng feedback mula sa mga totoong users habang patuloy na inaayos ang mga isyu na pwedeng makaharap. Since nagbigay sila suporta sa mga developer binigyan sila ng leverage para makapagbenta ng 1 buwan bago ilabas ang itemshop dahil community mag dedecide kung magkano magiging presyo ng rosa itemshop. Ang mga paunang magbebenta sa inyo ng rosa ay ang mga may hawak Early Access rewards dahil may mga rosa sila na kaya isupport ang community ng 1 buwan.
Beta Test:
Matapos ang Early Access, ang ran mobile ay maaaring ilabas sa Beta Test stage ito ay October 1, 2023.Dito, ang ran mobile ay ilalabas sa isang mas malawak na grupo ng testers lahat kayo yan, kasama ang mga external testers at iba pang interesadong users. Ang layunin ng Beta Test ang makakuha ng mas maraming feedback at makita ang mga posibleng bug o isyu bago ito ilabas ang official na laro.
Sa pangkalahatan, wala ng wipe na magaganap continuous habang nausad ang ating development process ang pagkakasunod-sunod na ito ay nagbibigay daan para sa mga developer na ma-refine at mapabuti ang larong Ran Mobile mula sa Alpha Test hanggang Beta Test, at sa huli, ma-release ito nang may mas mataas na kalidad at mas kaunti nang mga problema.
Ctto. Ran Mobile: The Master Class