01/11/2025
Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano | Nobyembre 2
Ang katuruang ito ay nakabatay din sa kaugalian ng pananalangin para sa mga patay, na binanggit na sa Banal na Kasulatan: “Kaya’t si Judas Macabeo ay nag-alay ng handog para sa mga patay upang sila’y mapalaya sa kanilang mga kasalanan.” Mula pa sa simula, pinarangalan na ng Simbahan ang alaala ng mga yumao at iniaalay para sa kanila ang mga panalangin, lalo na ang Banal na Eukaristiya, upang sa kanilang paglilinis ay makamit nila ang kaluwalhatiang makita ang Diyos nang mukhaan. (Catechism of the Catholic Church, 1032)