
09/01/2023
🔴Ang nasaisip ng mga tao sa youtube success ay swertehan lang.
Kaso hindi ito totoo.
Ito ay pag build ng audience -- at ito ang tamang paraan para ma accomplish ito.
============
✔ Ang AI ay nagpapatakbo ng YouTube sa 2023.
Sinusubukan ng algorithm ng YouTube na:
• malaman ang mga gusto/di-gusto ng mga tao
• i-predict kung ano ang gusto nilang panoorin
Ang actions ng viewers ay ang key - binabantayan ng AI kung paano mag engage ang mga tao sa mga certain videos.
Kaya Ito ang ibig sabihin nito para sa iyo:
============
✔ BUILD AUDIENCE:
Stop making content na may intention ka na "i-hack yung system" or beat the algorithm kuno.
Instead, mag-focus ka sa pag build ng audience.
Pag ginamit mo yung salitang "algorithm", palitan mo ito ng word na "audience" na lang.
Ito yung way kung paano ka mag deliver ng-value sa viewers mo:
============
✔ ALAMIN MO ANG IYONG CROWD:
Nagtataka ka ba kung paano ka mag stand out sa isang niche?
Mag-start ka by learning kung sino na ang mga ready na manood
Maging familiar ka sa community na yun.
Pwede ka rin mag reach out sa mga ibang creators at maging moderator ka nila.
Pag ininvolved mo ang sasrili sa mga usapan sa community, mahahanap mo kung ano ang mag resonate or mag click na content.
============
✔ PASSION:
Ang pag kuha ng attention ng viewers ay hindi lang pag gawa ng content.
Dapat passionate ka din tungkol sa pinaguusapan mo.
Ang pag express ng emotion = magandang content.
Nahahalata ng mga tao if talagang excited ka sa content mo or hindi.
Maging authentic ka at ishare mo ang mga stories mo.
============
✔ SUMMARY:
• Mag focus sa pag build ng audience, hindi yung naghahanap ng short cuts to beat the alogrithm.
• Alamin mo yung crowd mo, by getting involved sa community.
• Kunin mo ang loob ng viewers' with emotions at maging passionate ka sa pinaguusapan mo sa content mo.
============
If na enjoy mo ang post na ito:
1. Spread the knowledge
2. Follow for more YouTube and Content Creation Tips!